Chapter 6

34 4 0
                                    

Chapter 6

Date.

Halos hapon narin kami bago nakaalis ni Kaiser sa clinic sinabi sa amin ng Veterinarian sa clinic na bumalik daw kami pagkatapos ng isang linggo para makuha na iyong Aso.


Before that, we exchange numbers para  makontak namin ang isa't isa kapag kukuhanin na iyong Aso.



Kinuha ko ang phone ko at nakitang ang daming missed call sakin ni Prae.


May mga ilang text din siya.


"Girl! Where are you ba? Cutting ka ghorl? Hindi mo ko sinama! Hmpt!" umirap ako at nag type ng reply.


"Hindi ako nag cutting may emergency lang Prae, talk to you tomorrow when i see you!"


"Sinong katext mo?" Tanong ng katabi ko.


Nakita kong nakasulyap siya sa phone ko kaya agad ko itong inilayo.


"Why are you asking?" siningkit ko ang mga mata ko sakanya.


"Nevermind" Umirap siya. Napakasungit talaga arrghh!


"We're here." Sabi niya kahit nakikita ko naman na nasa harap na uli kami ng school. 


"hmnn... Thank you nga pala sa tulong." Awkward kong sinabi.


"May kapalit yun no!" ngumisi siya ng malaki sakin nanghahamon.


"Ok. What is it? Wag naman mahal ahh. Mga average lang studyante palang ako no!" Nagsungit ako sakanya pero kalaunan napangiti rin.


Tumitig lang siya ng seryoso sakin.


Nagtaas ako ng kilay sakanya. Bakit ba ganyan yung mga tinginan niya?


"What is it?" Naghintay ako ng sagot niya pero tumawa siya at ginulo ang buhok ko.


Hinilamos niya iyon sa mukha ko para naman akong baliw ngayon dahil sa gulo ng buhok may sumabit pa sa kamay niya.


Nakakainis.


Kinurot ko ang kamay niya.


"Aray! Ang tulis ng kuko mo!" nag peace sign ako sakanya at tumawa.

Okay rin pala kasama itong si Kaiser eh...

Ngumiti ako sakanya.


"Bye na, next time ko na lang sasabihin kong anong kapalit pag nagkita tayo. Pagiisipan ko pa" nagkamot siya ng batok.


"Ewan ko sayo. Bye na"  Umalis na ang kotse niya at naiwan naman ako dahil nandoon pa ang kotse ko sa parking.


Habang naglalakad papunta sa parking lot nakita ko si Aldrin sa tabi ng BMW na siyang sasakyan ko. Lumapit ako sakanya agad at  ngumiti.


"Aldrin ikaw pala. What are you doing here?" tanong ko.


Napangiti ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon dito.


"Saan ka nanggaling? Wala ka kanina sa klase mo." Nagiwas siya ng tingin.


Mas lalong lumawak ang ngiti ko at lumapit pa sakanya.


"Hmnn. May emergency kase, kaya ayon... " hindi ko pa masyado mahanap ang bawat salita dahil masyado pa akong windang kung bakit siya tanong ng tanong.


Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon