Kabanata 36

603 14 0
                                    

Kabanata 36

Matured

Halos maibuga ko ang juice sa mukha ni Samuel dahil sa gulat. Nakita kong napaso si Ate Beatrix ng iniinom niyang kape. Muntik nang mabitawan ni Flora ang dala na pitsel nang marinig iyon.

My eyes widened as I looked at Samuel. Medyo nabigla din siya sa mga naging reaksyon namin. Napamura si Ate Beatrix at ngumisi. Ang anak niyang si Raine ay gulong-gulo sa nangyayari.

"A-Ano iyon, Engineer Valiente? Pwedeng pakiulit? Parang... nagkamali yata ako ng narinig..." Mama laughed fakely.

"Liligawan ko po ang anak niyo na si Anastasia. Ayos lang po ba?" malumanay niyang tanong.

Napainom ng tsaa si Mama at halos ibusin na iyon. Si Samuel ay parang wala lang and hindi kinakabahan!

"Miss Asia, pumayag ka na! Huwag nang magpakipot!" halos mangisay sa kilig si Flora.

Sinamaan ko ng tingin ang tsismosa na si Flora. Isa pa' to! Tumingin ako kay Samuel na nakangisi na kay Flora. Gustong-gusto pa ang narinig!

"Ano bang pinagsasabi mo riyan? Bawiin mo 'yon!" I mouthed angrily at him.

"I... didn't expect that, Engineer," Mama chuckled as she took a quick glance at me. "Bakit sa akin ka nagtatanong kung ang anak ko ang liligawan mo? Alam ba ito ng anak ko?"

"Hindi po. Sa'yo ko po ito unang tinanong. Mas maganda po kung sa inyo ako unang sinabi dahil ikaw po ang magulang niya," paliwanag ni Samuel.

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Paano niya nagagawang maging kalmado sa sitwasyong ito? Hindi ba niya napapansin na kinakabahan ako rito?

"Well, uh... can I ask something, iho? Bakit mo gustong ligawan ang anak ko?" si Mama na ngumingiti na.

"Ma, please. He's not serious about this. He's just playing! Stop it, Engineer-"

"Matagal na po akong may gusto sa anak niyo. Simula pa po noong nagtatrabaho ako dito bilang magsasaka niyo. Hindi ko po nagawang sabihin at ipakita iyon sa inyo dahil boss ko po kayo noon. Pinili ko pong itago sa sarili dahil ayoko pong sirain ang tiwala niyo sa akin," malumanay niyang sagot.

Parang may kumurot sa puso ko. Naalala ko na pinili naming itago ang namamagitan sa amin dahil iyon ang makakabuti. If my parents would know about us, baka ay matagal nang sinisante siya sa trabaho.

"Iho, that wouldn't ruin our trust. Unless you did a mistake that would ruin our daughter's future. Mga bata pa kayo noon at hindi pwedeng maging mapusok."

"Opo. Alam ko naman po iyon," he said then drank his coffee.

"Hindi mo ba binaling ang atensyon sa iba? Ilang taon na ang lumipas. Hindi ka ba nagkaroon ng girlfriend? Kahit isa?"

"Oo nga, Samuel. You're good-looking. Baka may mga katrabaho ka na nagpakita ng motibo sa'yo. Marami pa namang babae riyan sa attracted sa mga engineer," pagsisingit ni Ate Beatrix.

Umangat ang sulok ng labi ni Samuel. Habang tumatagal ay lalo akong hindi nagiging komportable. I should've stayed longer in my room!

"No. Not even once..."

Tumango si Ate habang manghang-mangha sa sinagot ni Samuel.

"Ang loyal naman ni Engineer..." bulong ni Flora at humagikhik. Umalis na siya at bumalik sa kusina.

"Kahit isa ay hindi ka nagkagusto kanino man maliban sa anak ko?" si Mama.

"No, Ma'am. I still love her. And I'm sorry if I only said today. Wala pa po kasi akong maipagmamalaki sa inyo... at sa kanya... noong mga panahon na iyon."

Before I Hold You (Haciendera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon