Kabanata 19

402 10 0
                                    

Kabanata 19

Lose

Sumakay ako ng tricycle pauwi sa amin. Dahil sa mga nakita ko, parang naging blanko ang utak ko. Niyuko ko ang ulo ko, nagbabaka sakaling hindi ako mamukhaan na anak ng Mayor.

It keeps on bothering me. Halos hindi mawala sa isip ko kung ano ang mga nakasulat sa mga placards. Obviously, people are trying to ruin Papa's reputation.

Nang nakarating sa bahay ay kaagad akong pumasok. Bumungad sa akin si Mama sa sala na halos hindi mapakali sa kinatatayuan. She's holding her phone and it looks like she's waiting for something. I rushed towards her.

"Ma, anong nangyayari sa may pamilihang bayan? Why are there so many placards outside the townhall that says Papa is corrupt? Is that true?"

Puno ng pag-aalala at kaba ang eskpresyon ng mukha niya. She held my arms as she looked at me.

"No. No. Asia, huwag kang maniniwala roon. I'm sure, those people who hate your father did it to loose in the election. Hindi totoo na corrupt ang Papa mo...." there's seriousness and finality in her voice.

Naisip ko rin iyon. All I know is that when it comes to politics, there are some people who'll do everything to destroy someone's image and name para matalo.

Sa sitwasyon ni Papa ay ganoon iyon. Mabuti siyang tao at kahit minsan ay wala akong naaalala na pwedeng makasira sa reputasyon niya. Sa tagal niyang paninilbihan sa bayan na ito ay nakuha niya ang buong tiwala ng mga nasasakupan sa kanyang dedikasyon na tumulong at gumawa ng mga desisyon para sa ikakabuti ng lahat.

Tumango ako. "I believe in him. But I'm worried, Mama. I'm worried and scared about the possibilities of what might happen to Papa. For sure it'll cause a huge issue and people will talk about him," hindi ko na rin napigilan ang hindi mapakali at kabahan.

Ngayon lang ako naging ganito para kay Papa. I'm damn worried! Natatakot ako sa mga pwedeng sabihin sa kanya ng mga tao rito.

"Asia-"

"Inalis na ba nila iyon? Bakit walang awtoridad na gumagawa ng aksyon nung nakita ko iyon? Paano kung tuluyan iyong kumalat sa buong bayan? Paano kung..." matalo si Papa.

She hushed me by caressing my back. Unconciously, my tears started to form. Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko sa sakit na nararamdaman.

"Iha, please calm down. I'm sure they are now fixing this issue and removing those. Kilala mo ang Papa mo. He always find ways to fix any issues and I'm sure he's now doing it."

Kahit papaano ay kumalma ako sa mga sinabi ni Mama. It comforted me. I might be overreacting but I just can't help it kapag si Papa na ang pinag-uusapan. I love him so much.

I nodded and tried to smile. Umangat na rin ang sulok ng labi niya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"Pumunta ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit. When you're finished, pumunta ka roon sa hapag kainan dahil may ginawa akong meryenda."

Tumalikod na ako at umakyat sa kwarto ko. Kahit medyo gutom ako ay wala akong ganang kumain dahil sa nangyayari ngayon. I'm so affected and even if Mama won't say it, I can notice from her expression earlier.

Nagpalit ako kaagad ng damit. Unang sumagi sa isipan ko kung ano na ba ang ginagawa ni Papa para maalis na iyon. I'll ask him right away when he'll arrive.

Napatingin ako cellphone ko. I suddenly think of Samuel. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Is he at the market to help his mother? Kasama ba niya ang mga kaibigan niya? Is he with Millicent?

Bitterness crept in my system. Alam ko naman na kaibigan lang ang tingin ni Samuel sa kanya pero hindi ko mapigilang uminit ang dugo sa babaeng iyon.

Does she really know that Samuel and I have a thing or maybe she's just turning a blind eye? Trying hard to get his attention, huh?

Before I Hold You (Haciendera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon