Kabanata 7

534 18 3
                                    

Kabanata 7

Plan

Hindi ko alam kung ako ba ang pinaparinggan niya. I don't want to assume because it's wrong. Malay ko, may nakasama ata siyang ibang babae kanina.

"Heto na ang siomai niyo, Samuel," narinig naming sabi ng tindera. 

Hindi pinansin ni Samuel ang sinabi ni Millicent. Lumapit siya sa tindahan at kinuha ang mga siomai. He walked towards me.

"Siomai mo, Miss Anastasia," aniya nang inabot sa akin.

"Thank you. Teka lang. I'll get my wallet to pay for it-"

"Huwag na. I already paid it."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit siya nagbayad nang hindi ko alam? I didn't ask for it. 

"Hindi na kailangan. May pera ako rito. Bibigyan kita mamaya."

"Ako ang nagyaya sa'yo rito kaya dapat lang na ilibre kita. Kumain ka na. Masarap 'yan."

Napabuntong hininga na lamang ako. Sa bandang huli ay wala akong nagawa. Itinuon ko ang pansin sa fried soimai. I slowly dipped it on the soy sauce. Si Samuel naman ay abala sa paglagay ng toyo sa soimai niya.

"Nilibre mo siya, Samuel? Ako rin..." I heard Millicent's sweet voice.

Lumingon ako sa kanya. She walked towards him. Nakalapit na rin siya sa tindahan. She smiled at him. Niyugyog niya ng kaonti ang braso ni Samuel na parang pinipilit.

"Uh... sige. Ate Jack, bigyan mo siya ng dalawang siomai," ani Samuel.

"Sige, Samuel."

"Dalawa lang? Gusto ko apat," Millicent smirked, trying to tell joke.

I almost raised my eyebrow. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na sabihin iyon sa kanya. Nililibre na nga siya, may gana pa siyang magdemand.

Samuel sighed. 

"Millicent, hindi ko dinala ang pera ko ngayon. Pupunta pa ako ng palengke mamaya," malumanay na sabi ni Samuel.

She laughed then covered her mouth. Hinampas niya ng kaonti ang braso ni Samuel. Muntik nang matapon ang toyo sa hinahawakan niyang lalagyan ng siomai. 

"Ano ka ba! Nagbibiro lang kaya ako. Ikaw talaga..." 

Tinusok ko ang toothpick sa siomai at kinagatan ito. Medyo napadaing ako dahil mainit pa ito. Nakalimutan kong bagong luto pala ito! Binalik ko ang siomai sa lalagyan.

"Ayos ka lang, Miss Anastasia?" tanong ni Samuel.

I nodded and forced a smile. "Ayos lang ako."

Nakita ko ang pagpigil ng ngisi ni Millicent sa akin. I don't know if she's mocking me or what. Iniwas niya ang tingin sa akin dahil binigyan na siya ng siomai.

Kahit gusto ko mang makipagkaibigan sa kanya ay parang may tumutulak sa akin na gawin iyon. I don't know why but I sensed unfriendliness they way she looked at me. Hindi ko alam kung nag-o-overthink lang ako o hindi.

Hinipan ko ang siomai at kumagat ng kaonti. I tasted spiciness of it. Masarap nga. Hindi ko alam na nilagyan ito ni Samuel ng maanghang.

"Miss Anastasia, may bawang dito. Gusto mong lagyan ko iyang siomai?" he suggested.

"Huwag na," I don't want to have a bad breath.

Nang naubos ko ang isang siomai, doon ko lang nalasahan na lalong umaanghang ito. Lumapit sa akin si Samuel at sinimulan na niyang kainin ang siomai. I stopped eating and took a glance on his food. Mayroon siyang tatlong siomai.

Before I Hold You (Haciendera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon