Kabanata 40
Hold
"Parang tanga naman 'to si Asia. Relax lang diyan at dadating na sila. Eto talaga, oh," si Fatima.
Hindi ko makontrol ang pagkasimangot ko. Kanina ko pa naitext si Samuel pero hindi siya nagreply. Magkasama sila ng kaibigan niyang si Diego at hindi ko alam kung nasaan na sila.
I sipped my glass of mango shake.I saw Fatima took out her phone and checked something. Nakita ko na lamang na ngumingiti siya nang mag-isa.
Ngiti pa lang, alam kong si Diego na ang dahilan. When I found out that they are already in a relationship two months ago, I was happy for them. Nauwi sa pakikipagrelasyon ang mukhang aso't pusa.
Summer is almost done. Kahit ganoon, hindi pa rin mapigil ang init ng panahon. The sunset's rays touched my fair skin. We were supposed to go to the beach pero nagbago kami ng isip. Maraming turista kapag weekend at paniguradong medyo crowded ang lugar.
Pumunta na lang kami rito sa sikat na pasyalan dito sa syudad. There are a lot of restaurants available at may bar pa.
"Pasensya na kung natagalan kami. Marami kasing gumamit ng restroom," sabi ni Diego nang dumating.
Tumabi siya kay Fatima. Samuel, my boyfriend, took his seat beside me. Tinitigan ko siya.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" he asked cluelessly.
"Naging paranoid na naman 'yang girlfriend mo. Kung ano-anong inisiip. Baka raw may mga babaeng umaligid sa'yo, may kausap kang iba... Jusko! Nasobrahan yata 'yan sa selos," reklamo ni Fatima.
Samuel's eyebrows furrowed. He also smirked, as if I'm being ridiculous.
"Naninigurado lang. Alam mo naman ang iba riyan. Kapag nakakita lang ng pogi, lumilinaw ang mga mata. Kulang na lang mahubarahan ng panty," depensa ko.
"Defensive, huh? Hindi ko naman tinanong."
Hindi ko makakalimutan ang naakita ko noong huling pumunta kami rito ni Samuel. It was before I said yes to him. Harap-harapan ba namang may lumandi sa kanya.
"Hay naku! Pasalamat na lang ako at hindi ganyan ang itsura ni Diego. Paniguradong pipilahan 'yan ng mga babaeng uhaw na uhaw sa mga gwapo!"
"Sinasabi mo bang hindi ako gwapo? Iyon ba?" si Diego.
"Hindi. Huwag ka nang umasa."
Natawa ako sa prangka na sagot ni Fatima. She chuckled nang makita ang pagtatampo sa mukha ni Diego. It faded when she kissed his cheek. Hinalikan lang, naging marupok na!
Nilagay ni Samuel ang kanyang braso sa back rest ng upuan ko at mas lumapit pa sa akin. Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa pagiging clingy niya.
"How the two of you got into a relationship? Hindi ko alam na nanligaw sa'yo si Diego," tanong ko.
"Naglaplapan na kami, hindi pa ba required na maging kami officially?" ngumisi si Fatima.
Halos mapangiwi ako sa bulgar na salita niya. Diego hushed his girlfriend but she only laughed.
"So hindi ka pumayag na magpaligaw? Masyado ka namang easy-to-get! Magpakipot ka naman kahit kaonti."
"Hindi na kailangang magpaligaw dahil sasagutin ko naman siya agad-agad. Besides, I'm not pakipot like you."
Inirapan ko siya. Mas mabuti nang ganoon. Hell, I can't imagine myself being aggresive. Mas mabuti na ang maghintay.
"Babalik na si Samuel sa Manila para sa kanyang trabaho. We should make this double date a memorable one," Diego said.
BINABASA MO ANG
Before I Hold You (Haciendera Series #1)
RomanceAnastasia Eilish Serrano is the youngest daughter of the mayor of Calabanga. She's prim, proper and responsible. Masasabi na ganoon siya kumilos dahil sa kanyang ama na kanyang hinahangaan. Sinisikap niyang makatulong sa pamilya niya, lalo na sa kan...