Kabanata 18

380 8 0
                                    

Kabanata 18

Corrupt

"Totoo ba iyon, Asia?" she asked again.

May sasabihin pa sana siya pero siniko na siya ni Macy kaya tinikom niya ang bibig. Bakas sa kanila ang kaba at pag-aalangan.

Nagulat ako roon. Anong pinagsasabi nila riyan? Hindi ko na napigilan ang mainis sa sinabi nila.

"Anong klaseng balita iyan? That's not true!" my voice slightly raised because of annoyance.

They shut their mouth. Halos yumuko sila sa halos pagsigaw ko. Sinong hindi magagalit sa sinabi nila? Sinisiraan ba nila ang Papa ko?

"N-nagtatanong lang kami kung totoo ba iyon," kabadong sambit ni Eliza.

"Nagtatanong o sinisiraan niyo ang Papa ko? At kanino niyo narinig ang tsismis na 'yan? Hindi 'yan totoo!" giit ko. 

"Uy, Asia, h-huwag kang magalit sa amin. Nagtatanong lang kami. I-Isa pa, talagang mapagkakatiwalaan ang Papa mo... kaya hindi kami naniniwala roon."

I swear, if stares could stab a person, dumudugo na siya. Hindi ako naniniwala sa sinabi mo dahil halatang may halong plastic iyon. Huwag ako!

"Uy. Tama na 'yan. Baka mas lalong magalit siya sa atin..." mahinang sabi ni Macy sa kanya.

"Hindi totoong corrupt si Papa at mas lalong hindi niya kayang gumawa ng ilegal! Kung kanino niyo man narinig ang walang kwentang tsimis na 'yan, sabihin niyo tumigil na siya," sumeryoso ang boses ko.

Halos bumilis ang paghinga ko sa galit. Sino ang nagpakalat ng balitang iyon? My father is not like that. Hindi siya makakagawa ng mga bagay na ikakasira niya bilang Mayor ng bayan na ito.

"Sige, Asia. Pasensya na talaga. Umalis na tayo rito..." hinila ni Macy si Eliza palabas.

Kinuyom ko ang kamao ko sa galit. Sa tagal na paninilbihan ni Papa bilang Mayor ay ngayon lang ako nakarinig ng tsismis na ganoon tungkol sa kanya. Pinakalat ba iyon dahil malapit na ang eleksyon para hindi siya iboto ng taong bayan?

Hindi ko alam kung ganoon ba ang sistema sa politika. Na kung sino ang nakakaangat, mayroon na mga taong maninira para hilahin ito pababa. What a fucking dirty mindset! Masyadong marumi! Kaya dumadami ang mga salot sa lipunan...

Nang natapos ay bumalik na ako sa classroom. I'm still not in the mood that's why some of my classmates notices me. Halos padabog akong umupo sa sarili kong upuan.

"Oh! Asia, bakit busangot ang mukha mo? Okay ka naman kanina. Nagkausap ba kayo ni Samuel sa cellphone at nagtampo ka ulit?" bungad ni Fatima nang makalapit sa akin. She smirked.

"Don't talk to me."

Halos malaglag ang panga niya sa pagsungit ko sa kanya. She took a seat on the vacant chair in front of me. Hindi ko siya tiningnan.

"Binubuntong mo ba ang inis mo sa kanya sa akin? Ano ako, punching bag? Parang ang ganda ko naman yata para maging ganoon," aniya at hinawi ang buhok niya.

Inirapan ko siya. Tumahimik ka riyan at baka ihampas ko sa mukha mo ang makapal na libro ko.

I kept my mouth shut. I crossed my arms and rested my back on the backrest of the chair. When I looked at her, there's still her smirk

"Eto naman, oh. Hindi mabiro. Sige na. Payag na akong gawin mong punching bag. Ako kaya ang rant friend mo," nilapit niya nang kaonti ang mukha sa akin. "Bakit ganyan ang mukha mo?" may pag-aalala sa kanyang boses. 

Now that she asked, naalala ko ang nangyari sa comfort room. I know that I shouldn't believe those but as Papa's daughter, I'm fully affected. Kung magtsi-tsismisan sila, siguraduhin nilang wala ako sa paligid para hindi iyon marinig. 

Before I Hold You (Haciendera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon