Kabanata 14

481 13 1
                                    


Kabanata 14

Pursue

Iniwas niya ang tingin sa akin. Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya.

Alam kong strikto si Papa pagdating sa amin. Lalo na rin sa mga may balak na manligaw sa amin. Pero ang maisip na malaman niya na may namamagitan sa amin ni Samuel ay lalong nagpakaba sa akin.

I know he's not like the other boys in our school. Iyong mayaman, hindi pinagsasabay ang trabaho sa pag-aaral para tulungan ang pamilya at... magsasaka. Kahit ganoon, he's more than that. He has dreams for his family. Alam niya ang kanyang mga priyoridad.

"You may be right. But if he would give him a chance to prove himself, maybe he would accept him. Matalino at mabait siya, Ate. Masipag din siya. Isa pa, pinagkakatiwalaan din siya ni Papa kaya baka matatanggap niya ito."

"Baka. You're not sure. Baka hindi mo rin talaga siya gaanong kilala. Maybe he's showing you that kind of traits because he wants something to you. Maybe he wants only to take advantage on you-"

"What the hell! Ate, naman! Ano bang pinagsasabi mo? He's not like that!" hindi ko na napigilan ang iritasyon.

Parang kumulo ang dugo ko. Ang kapal ng mukha niyang pagsalitaan si Samuel ng ganoon! Hindi ibig sabihin na ganoon ang sitwasyon niya ay magagawa na niya iyon sa akin. He's a gentleman. Kung hahawakan man niya ako ay may halo iyong pag-iingat.

Lumingon siya sa akin. "I'm just saying the possibilities. Wala kang alam sa mga lalaki, Anastasia."

Hindi ko alam kung bakit ang bilis niyang husgahan ang isang tao kahit hindi pa niya ito nakikilala. Maaaring hindi nga ako malapit sa mga lalaki pero alam kong iba si Samuel sa kanila. 

"You only say that because you don't know him personally. Baka ngayon mo lang siya nakita dahil palagi kang nasa loob ng mansion. If you could get to know him, you'll realize he's not what you think," depensa ko. 

"Huwag ka ngang umasa! Hindi ako interisado na kilalanin siya. He's one of our farmers, for pete's sake! Mahiya ka nga, Asia!" aniya na nandidiri.

Hindi na ako nakipag-argumento sa kanya. I only kept my mouth shut. Kahit anong paliwanag at depensa ko ay ayaw pa rin niyang maniwala.

Hanggang sa nakarating kami sa bahay ay bumalik ulit siya sa pagiging malamig sa akin. Sumunod ako sa kanya sa pagpunta sa pangalawang palapag. She's going to her room.

"Ate, huwag mong sasabihin kina Mama at Papa. Please. Even  if we're not in a relationship... I don['t want them to disappoint," I begged. 

"Huwag mo rin sabihin sa kanila na may boyfriend ako," agad niyang sabi. 

Umiling ako. "Wala akong balak. Pangako. I'll keep this as our secret. Ayokong magalit sa akin si Papa. Kapag nalaman niya ito... he might..." hindi ko na natapos ang sasabihin.

Hindi imposible na baka komprontahin niya si Samuel. Hindi lang iyon, baka sisantihin pa niya ito. I don't want to lo his job, especially when he's helping his parents. 

"Exactly. Matalino ka naman pala. Buti naisip mo ang mga posibilidad na mangyayari." aniya.  "Fine. Hindi ko sasabihin sa kanila. Pero sa oras na malaman nila na may namamagitan sa inyo ng magsasakang iyon, hindi ko na iyon problema." 

Tumalikod na siya at naiwan ako sa kinatatayuan. She went inside her room and slammed the door. Bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya. Things would get harder for us. 

Pumasok na lamang ako sa kwarto. Nilapag ko ang gamit sa kama at kaagad nagpalit ng damit. Kahit anong gawin ko, hindi maalis sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Ate Beatrix. It bothers me. 

Before I Hold You (Haciendera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon