Kabanata 9

506 18 3
                                    

Kabanata 9

Nililigawan

"Saan tayo pupunta?" tanong niya nang nakalapit sa'kin.

"Huwag ka nang magtanong pa. Sumunod ka na lang!" iritado kong sabi at naglakad palayo sa kanya.

I can hear his footsteps behind me. Alam kong nakasimangot ako. Halos harap-harapan na niya namang inamin na may gusto siyang iba. Ipinalandakan pa niya!

Lumapit ako sa isang fruit stand. Iba't-ibang uri ng prutas ang nakikita ko. A female vendor approached me. Tiningnan ko ang mga mansanas at hinawakan.

"Kumuha ka na, Miss. Bibigyan kita ng discount kasi maganda ka," sabi ng tindera at binigyan ako ng plastic bag.

Plastik ko siyang nginitian at kinuha sa kanya ang plastic. I started picking some fruits. Nanatili si Samuel sa tabi ko. 

"Anong gagawin mo sa mansanas? Wala iyan sa listahan na pinapabili sa'yo ng Mama mo," narinig kong sabi niya. 

"Malamang kakainin! Ano pa ba sa tingin mo? Tititigan ko?" halos nag-aalburuto kong sabi.

Mukhang hindi niya inaasahan iyon. He blinked thrice then chuckled. Inirapan ko soiya at nagpatuloy sa ginagawa. Why is he asking the obvious? He looked stupid.

"Nagtatanong lang ako, Asia. Just relax," aniya na natatawa.

I mimicked his voice. Ewan ko sa'yo, Samuel. Umiinit na ang panahon, pati ulo ko ay pinapainit mo. 

Kumuha na rin ako ng saging at oranges. Binigay ko iyon sa tindera para ilagay sa kilohan. Sinabi niya ang presyo at binigay ko ang pera.

"What's with the sudden grumpiness? May problema ba?" 

Hindi ko siya sinagot at tiningnan. I crossed my arms so he would understand that I'm interested in talking to him.

"May nakaaway ka ba rito? Anong nangyari?" his voice turned into concern. 

"Wala," tipid kong sagot.

"Then what is it? May ginawa ba akong ayaw mo? Okay ka naman kanina."

"Can you just shut up? Wala nga! Ano ba ang gusto mong marinig?" iritado kong sabi.

Natigilan siya sa halos pagsigaw ko sa kanya. Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil inabot na ng tindera ang sulki sa'kin. 

"Miss, sinusuyo ka na ng boyfriend mo. Patawarin mo na," pagsisingit ng tindera. 

I almost raised my eyebrow at her. Nginitian ko siya ng peke. 

"Hindi ko po siya boyfriend. Isa pa, may iba po siyang gusto kaya hindi niya ako girlfriend." 

Mukhang nagulat ang tindera. Hiyang-hiya siyang ngumiti. 

"Ay! Talaga? Sorry. Akala ko boyfriend mo. Ang pogi pa naman!" 

Nagpasalamat na lang ako sa kanya at tinalikuran na siya. Sumunod sa'kin si Samuel at tahimik na naglalakad. 

I noticed that some girls are stealing glanced at him. May nakita pa akong isang grupo ng mga babae na tumingin sa kanya at agad iniwas ang tingin. Humagikhik ang dalawa sa kanila. 

Hanggang ba naman dito sa palengke ay agaw pansin pa rin siya? Wala bang lugar dito na makakapansin sa kanya? How can be this man look so hot?

Kung ako ang girlfriend niya, sisiguraduhin kong walang papansin sa kanya. Well, I have the right to be possessive because he's my boyfriend. But since he's not, kaya wala akong karapatan.

"Ako na ang magdadala niyan." 

Kinuha niya sakin ang tatlong plastic bags na may laman na mga prutas. Hindi na ako nagreklamo. 

Before I Hold You (Haciendera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon