If you have seen any errors, I apologize. I don't have time to edit the chapters. Thank you!
--
Simula
I darted my gaze to the wide school grounds. Tirik na tirik ang araw ngayong tanghali. Kinuha ko ang panyo sa bulsa at pinunasan ang pawis sa noo ko at leeg. Sa sobrang init ng panahon, parang gusto kong hubarin ang polo uniform ko. Ayos lang dahil may t-shirt pa akong suot.
I looked at my friend, Diego, who's talking to his girlfriend. Grade 9 pa lamang ang babae. Mahaba ang maalon niyang buhok at masasabi kong maganda naman siya. Kahit masyado pa siyang bata para sa kaibigan at kaklase kong Grade 12 na, parang wala silang pakialam na ganoon ang agwat ng edad nila.
Tss. And hilig niya sa mga mas bata sa kanya.
Nasa tabi sila ng hallway. He is leaning the side of his shoulder to the wall while staring at her. May ngiti pa sa kanyang labi. May sinabi siya sa kanyang girlfriend na ikinangiti nito. Diego tucked the excess strand of hair behind her ear.
Hinampas ng kaonti ng babae ang braso niya habang nagpipigil ng ngiti. Diego's smile grew wider. Whille his girlfriend is saying something, he pecked a kiss on her lips. Natigilan ang babae sa ginawa.
"Lecheng Diego 'to. Nakalimutan yatang nasa eskwelahan siya..." bulong ko sa sarili.
Halos umasim ang mukha ko sa nakita. I shook my head in disappointment then avoided my gaze at them.
Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa paligid. The junior high students are walking towards their room. Ang iba naman ay palabas ng campus. May mga nakikita akong mga Senior High students na gaya ko na naglalakad, dala ang mga binili nilang streetfoods.
At dahil nasa tabi ako ng hallway, napapatingin sa akin ang mga estudyanteng dumadaan, lalo na ang mga babae. May isang grupo ng mga babae na nilagpasan ako at nang nakalayo, nagbulungan sila. I saw they giggled and one of them took a glance at me with a smile.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakaramdam ako ng pagkabagot. Tumingin ako sa kanila at ganoon pa rin ang sitwasyon nila. Their voices are low so I can't hear them. Ilang metro ang layo ko sa kanila.
Sa sobrang init na ng panahon, umiinit na rin ang ulo ko sa sobrang tagal niya! Ang sabi ay saglit lang siya! Nakalimutan niya na yata na kasama niya ako!
"Psst!" inis na tawag ko sa kanya.
Hindi siya lumingon kaya inulit ko. Tumingin na sila at lito akong tiningnan ni Diego. Napabuntong hininga ako at naglakad papunta sa kanila.
"Hi!" Phoebe greeted, waving at me with a smile.
"Hi! Pwedeng makausap ko saglit ang boyfriend mo?" tanong ko.
"Sige. Bakit ko iyon ipagkakait? Baka importante ang sasabihin mo."
"Salamat," sagot ko.
Hinila ko ang kaibigan ko palayo sa kanya. He looked at me confusedly.
"Bakit? Panira ka talaga ng moment, Samuel," aniya na medyo naiinis.
"Ang sabi mo saglit ka lang. Halos magta-tatlumpung minuto mo na siyang kausap. Magta-tatlumpung minuto na rin akong naiinip dito," naiinis kong sabi.
Ngumisi siya. This guy is annoying sometimes. Bakit pa siya nagpasama sa akin? Nagmumukhang chaperon ako sa kanilang dalawa!
"Chill lang! 2 minutes na lang! Promise. Aalis na tayo rito."
Sinamaan ko siya ng tingin. Parang ayaw kong maniwala. Hinawakan niya ang balikat ko.
"Sige na. Suportahan mo ako sa lovelife ko. Bestfriend kaya kita. Alam kong 'di mo ako matitiis," he smiled.
BINABASA MO ANG
Before I Hold You (Haciendera Series #1)
RomanceAnastasia Eilish Serrano is the youngest daughter of the mayor of Calabanga. She's prim, proper and responsible. Masasabi na ganoon siya kumilos dahil sa kanyang ama na kanyang hinahangaan. Sinisikap niyang makatulong sa pamilya niya, lalo na sa kan...