Chapter 36 - Enchanted Kingdom

8.3K 127 2
                                    

Enchanted Kingdom. Tomorrow. 3 pm.

Tiningnan ko ulit ang text message. Baka kasi namamalikmata lang ako. Pero hindi eh. Sa kanya talaga galing ang message. Tumingin ako sa orasan. Ala-una na. Hindi ako sigurado kung anong dapat kung gawin. Hindi rin ako sigurado kung anong ibig sabihin ng text message niya.

Enchanted Kingdom. Tomorrow. 3 pm.

Basa ko ulit. Baka naman wrong send lang siya. Pwede ngang ganun. Kasi ano namang dahilan at papupuntahin niya ako doon. Nakakiinis talaga ang taong yun. Kahit text niya sobrang tipid. Panay pilit ko na i-scroll down baka may kadugtong pa pero wala talaga. Hindi man lang niya sabihin kung ano talaga ang kailangan niya ng hindi ako nababaliw kaiisip dito. Mahirap bang sabihin na 'Hoy Diana pumunta ka sa Enchanted Kingdom, dahil papatayin kita'.

Ayoko naman na tawagan siya at tanungin, baka nga kasi wrong send lang talaga siya at mapahiya pa ako. Aissssshhhhh.

Three-thirty na ng dumating ako sa Enchanted Kingdom. Pumunta na rin ako. Tumingin-tingin ako sa paligid. Lang-hiya, ang laki nitong EK at ang dami pang tao. Paano ko siya makikita dito. Sira-ulo talaga yun, nakapageneral magbigay ng meeting place. At ako namang uto-uto nagpunta pa rin. Nagtingin-tingin pa ako ng biglang may yumakap sa akin.

"James??? Anong ginagawa mo dito?"

 

Umupo ako para magkapantay kaming dalawa. Niyakap niya ulit ako.

"Ate, ba't tagal mo?"

 

"Ha?"

 

"Nina ka pa amin intay ni uya..."

 

"Sinong Kuya?"

 

Sinundan ko ang tingin niya. Napatayo ako bigla. Nakita ko si Nathaniel na papalapit sa amin. Tumakbo naman si James papalapit sa kanya. Humawak ito sa kamay niya.

"Uya.. dito na ate... punta na ayo dun.."

 

Tumango lang siya dito tapos tumingin sa akin. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Kung ganoon hindi siya nagkamali ng send. Pinapupunta talaga niya ako dito. At sinama pa niya si James.

"Didn't you like my surprise?"

 

"Ha?"

 

"You didn't like those gifts I gave you. How about this one? You like James so much so I thought you would be happy to see him."

Hindi ko siya sinagot. Pero sa loob-loob ko ay hindi ko napigilang mapangiti. Nakakainis man na hindi niya magawang magsorry ng harap-harapan, the fact na nag-eeffort siya para makabawi sa nagawa niya ay hindi ko mapigilang matuwa. So this is his way of apologizing... How sweet. Este, how nice.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon