Chapter 69 - Locker Room

3.8K 96 5
                                    

“Nababaliw ka na ba? This is the girl’s locker room.”

“I know.”

“Nababaliw ka na nga. Alam mo pero andito ka.”

Tinalikuran ko siya at hinarap ulit ang pag-aayos sa gamit ko. Pero sa totoo lang ay wala dun ang isip ko. Ni hindi ko na nga alam kung anong inilalagay ko sa bag ko. Idagdag pa na nanginginig ang kamay ko.

“Tangs…”

Tumindig ang balahibo sa leeg ko sa pagtawag niya sa akin. Napapikit na lang ako. Akala ko naihanda ko na ang sarili ko. Kaya lang ipinagkakanulo ako nang katawan ko.

“Wala na tayong dapat pag-usapan. Hindi mo ba talaga naiintindihan? May pinakinggan ka man lang ba sa mga sinabi ko.”

“You told me you like me.”

Natigil ako sa kung ano mang ginagawa ko at napaawang na lang ang labi. Gusto kong sumagot pero walang salitang makapa ang utak ko. Pinigilan ko rin ang sarili kong humarap sa kanya. Sigurado akong sobrang pula na nang mukha ko. Ayokong ipakita sa kanya na apektado ako sa presensiya niya at lalong-lalo na sa mga sinasabi niya.

“That wasn’t my point.”

“That’s the only point I could get.”

Napapikit na lang ako. Malapit na akong sumabog. Sumabog sa sobrang galit sa sarili  ko. Galit ako sa sarili ko kasi nagkakaganito ako. Natutuliro agad ang utak ko. Tapos gusto ko pa siyang tingnan. Gusto ko siyang ngitian hoping na gantihan niya ang ngiti ko.

Naipasok ko na lahat sa bag ang mga gamit ko. Pero tila may sariling utak ang mga kamay ko. Marahas nitong inilabas ang mga gamit na kapapasok ko pa lang.

“Need help?”

“No.” pasigaw na sagot ko. Nagulat ako sa ginawa ko. Wala sa intensiyon ko na sigawan siya. Hindi ko lang talaga papigilan ang frustration ko.

“Bakit hindi ka na lang lumabas? Bago pa may makakita sa’yo dito.”

“Not until we talk.”

“We’re done talking.” Napasigaw na naman ako. At sa pagkakataong ito ay hinarap ko na siya. Pero isang segundo pa lang ay tumalikod ulit ako.  Nakangiti kasi siya.

His with his legendary smile. His very rare but oh so sweet and dashing smile. Napapikit ako at pilit kinakalma ang sarili pero wala akong makita sa isip ko kundi ang ngiti niya. Masama na talaga ‘to. Kailangan ko na talagang makalayo sa kanya.

Inilagay ko na ulit ang mga gamit kong wala sa sariling inilabas ko kanina. Nang nalagay ko na lahat ay inilagay ko na sa balikat ko ang bag at mabilis na naglakad papunta sa pinto. Hindi ko siya bibigyan nang pagkakataong pigilan ako. Pinihit ko ang door knob. Napakunot ang noo ko kasabay nang pagdagsa nang kaba ko. Parang alam ko na kung anong nangyayari pero hindi siya magawang matanggap nang utak ko kaya pinihit ko ulit ang door knob. Nakailang pihit na ako ay hindi pa rin talaga siya bumubukas.

Napagod na rin ako sa kapipihit nang door knob at kakadasal na sana mali ang iniisip ko. Hindi nga ako nagkamali. Nangyari na naman siya.

“Nathaniel, ano na naman ba ‘to?” mangiyak-ngiyak na sabi ko. Naiiyak na talaga ako. Isipin ko pa lang na makukulong ako sa isang kwarto kasama siya pakiramdam ko ay mababaliw na ‘ko. Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari nang minsang ikulong kami ni Stephen sa banyo. Hindi pwede ‘to.

“Buksan mo ‘tong pinto pwede ba?”

Lumapit siya sa pinto at pinihit rin ang door knob. Iniisip ko na sa isang iglap ay bubukas na ‘yun pero hindi.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon