Chapter 8 - Lost and Found

9.4K 160 5
                                    



James’ POV

“Manong sa park daw tayo.” sabi ko sa driver ko pagkatapos kung kausapin sa cellphone si Annika.

Naiinis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Imagine sa lahat pa naman ng pwede niyang gustuhing maging kaibigan ay ang kaaway ko pa. At talagang kinalaban niya ako para sa lang taong ’yun.At dahil sa pakikialam na ginawa niya ay nalaman ng daddy ko ang mga ginagawa ko sa school. Bad shot na naman ako.

Tapos akala ko ay ang babaeng ‘yun ang may kasalanan. Hindi naman pala. Nakagawa pa tuloy ako ng eksena kanina. Well, nagsorry na rin naman si Annika. Ano pa nga ba ang magawa ko kun’di tanggapin na lang ang apology niya.

Si Annika ang bunso sa aming lima tapos nag-iisang babae pa talaga. Kaya naman sobrang spoiled niyan. Kaya kahit talagang ayaw ko ay wala na akong nagawa kundi ang pagbigyan siya sa gusto niyang  kaibiganin ang babaeng ‘yun.

Kung ako hindi palakaibigan siya naman ay sobrang mapili. Kaya nga kami lang apat kaibigan niyan eh. Wala siyang kaibigang babae. Kaya nga nang sinabi niya kanina na gusto niyang maging kaibigan ang babaeng ‘yun ay talagang nagulat kami.’Yun ang unang beses na ginusto niyang maging kaibigan ang isang tao. Ano naman kaya ang nagustuhan niya sa nakakainis na babaeng ‘yun?

Napabuntunghininga na lang ako. Kahit kelan talagang napakakulit ni Annika. Kababati pa lang namin tapos ngayon ay uutusan na niya ako. Tinawagan niya ‘ko para daw kunin ang cellphone niya. Naiwan daw niya kanina at may nakapulot.

Sinabi ko na sa kanya na ibigay na lang niya sa nakapulot ang cellphone niya at bumili na lang ng bago. Pero ayaw niya. Kesyo may importanteng files na nakastore dun. May sentimental value. At kung anu-ano pa. Napakakulit talaga. Kung anu-ano pang dahilan niya, buti sana kung siya ang kukuha nun. Kaso mang-uutos lang siya. At ako pa talaga ang napili niyang abalahin.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa park na sinabi ni Annika. Lumabas na ako ng kotse. Ano ba naman klaseng lugar tong napili ng nakapulot ng cellphone ni Annika? Sa isang park pa talaga, pwede namang sa restaurant na lang. I look around. Hinahanap ko iyong taong nakapulot ng cellphone.

"Tsk."

Parang malalaman ko naman na siya na ang hinahanap ko eh wala namang sinabi si Annika na description man lang. Basta sinabi lang niya na schoolmate daw namin. Naiinis na talaga ako. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa letseng park na’to pero hindi ko pa rin nahahanap ang hinayupak na nakapulot ng cell ni Annika.

Hapon na pero napakainit pa rin dito sa lugar nato. Tapos napakadami pang mga bata na naglalaro. Takbo dun, takbo dito. Nakakahilo. I decided to go back to my car. Kaya lang.

I saw someone.

I saw her.

Diana's POV

Andito ako sa park ngayon. Bakit? May nakaiwan kasi ng phone niya kanina sa canteen kaya pinulot ko. Eksakto naman na may tumawag. Ano pa nga ba ginawa ko. I answered the call. Ang may-ari ng phone ang nasa kabilang line.

I told her that I'll return it to her. Babae ang nakausap ko. Actually pamilyar ang boses niya kaya lang hindi ko naman maalala kung sino kaboses niya. Binalewala ko na lang, marami naman kasing magkaboses sa mundo. I told her na dito kami sa park magkita.

Kaya lang kanina pa ako dito pero hindi pa din dumadating iyong may-ari ng phone. May balak pa ba iyong kunin tong phone niya. Na bore na ako sa kahihintay kaya naglakad-lakad muna ako.

Masaya naman kahit papaano sa park. Napakarami kasing mga batang naglalaro. Ang cucute pa naman nila. Kaya lang hapon na. Baka kanina pa naiinip si Manong sa kahihintay sa akin. Kaya ayun babalik na ako dun sa sasakyan.

Kaso.

Nakita ko siya. At nakatingin siya sa akin. Tumalikod agad ako. Hindi ko alam pero basta na lang tumalikod katawan ko ng makita siya. Kinabahan ako eh.

"Nalinitikan na. Anong ginagawa ng lalaking iyon dito."

Sinusundan ba ako ng lalaking ’yun? Diana huwag kang feeling. Bakit ka naman susundan ng lalaking ‘yan? Napakaraming tao dito sa park. Malay mo naman may pupuntahan siya dito.  Iba ang sadya niya dito.

Parang ganyan din iyong sinabi ko kaninang tanghali sa canteen ah. At ako nga ang sadya ng ungas na iyan kanina. Napapikit na lang ako.

"Lord, huwag naman po sana. Malaking gulo na naman ito. Ayoko na po ng gulo. Kaya ilayo niyo sa akin ang gulo. Ilayo niyo sa akin ang lalaking iyan. Gulo kasi apelyido ng lalaking iyan eh."

Naglakad na ‘ko. Opposite his direction. Iikot nalang ako pabalik sa sasakyan. Kahit na mapapalayo ako okay lang basta huwag lang magtagpo landas namin ng lalaking ‘yan.

Binilisan ko lakad ko. Actually parang takbo na nga siya eh. Parang gusto ko matawa sa sarili ko. Kasi naman pakiramdam ko para akong kriminal na hinahabol ng pulis. Ng medyo malayo ako ay tumigil muna ako. Nakakapagod rin kaya. Mahina pa naman resistensiya ko pagdating sa takbuhan. sobrang hinihingal na nga ako ngayon eh.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Tiningnan ko kung nasaan na ang lalaking ‘yun. Baka mamaya eh sinundan ako nun. Ang feeling ko talaga kahit kailan para isipin na susundan ako nun. Pero mabuti nang sigurado. Ng makita ko na wala na siya sa kahit saan sa paligid ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Hay.  Salamat naman." sabi ko.

"Anong Salamat?"

Author's note.

Medyo nagkalaman ang utak ko kaya nakapag update. Thanks so much for the  time. Vote. Like. Comment. And keep on reading

iamhopelessromantic

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon