Bastard

7K 124 17
                                    

Dedicated to sa'yo akinlngcL. Pasensiya na medyo walang kwenta itong update na to kaya naman huwag niyo na basahin. De joke lang. Basta basahin niyo na nga lang para malaman niyo sinasabi ko. Ito ang panira ng excitement niyo.

iamhoplessromantic

"Diana"

 

"ANAK NG PATAY NA PATING!"

 

Napahawak ako sa dibdib ko sabay tingin sa tumawag sa'kin.

"Ginulat mo naman ako Stephen."

 

"Hahahaha. Sorry. I didn't know na magugulatin ka pala. Ano ba kasi iyang tinitingnan mo?"

 

Lumapit siya sa akin at tiningnan din iyong tinitingnan ko daw. Hinila ko naman siya palayo. Baka mamaya makita siya ng ungas.

"Wala lang yun. Ano nga palang ginagawa mo dito?"

 

"Bakit? hindi na ba ako pwede magpunta ng mall?" Pilosopo din pala itong isang to eh.

"Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. Anyways, mag-isa ka lang ba?"

 

Baka kasi may usapan sila ng ungas na magkikita dito sa mall. Malay mo di ba, hindi naman talaga ako sinundan nun. Baka nagfeefeeling lang ako at ganun ang iniisip ko.

"Yeah. Mag-isa lang ako. Ikaw? Magkasama ba kayo ni James?"

 

"Ha? Ako? Ano. Hindi. Hindi ko siya kasama." Bakit naman kami pupunta ng mall na magkasama di ba?

"Ganun ba. Saan na naman kaya nagpunta yun? Kagabi pa kasi siya hindi umuuwi eh. May nabanggit ba siya sa'yo?"

 

Hindi pa daw siya umuuwi. So totoo talaga. Magdamag talaga siyang nasa labas ng bahay namin. Baliw nga talaga.

"Ano. Hindi ko alam kung nasaan siya." Grabe. Ilang beses na ba akong nakakapagsinungaling ngayong araw na to?

"Tsaka bakit naman niya ipaalam sa akin kung saan siya pupunta?"

 

"Well I just thought he would let you know since you're his girlfriend."

 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano daw? Girlfriend ako ng ungas?

"Anong girfriend ang sinasabi mo diyan?"

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon