Chapter 59 - Walang Takas

6.3K 147 58
                                    

Dedicated to sa'yo Logen. Maraming salamat sa undying support mo dito sa story. Higit sa lahat sa pagintindi at pagpapalakas nang loob ko. Salamat din sa pagtatiyaga mo na ichat ako sa fb kahit na may work ka. Hahahaha.

iamhopelessromantic

--------------------------

"Baliw sa'yo."

 

"Liar."

Tumawa lang siya ulit. Langya. Inaasar niya talaga ako.

"Stephen open the door now. Let's go." sabi niya sabay kuha sa kamay ko.

Paglabas na paglabas namin ay nagpalakpakan silang lahat. Tapos nagpasabog ng confetti si Annika. Naguguluhang napatingin ako sa kanila isa-isa. Kahit kay Erica. Nakasmile siya sa akin habang pumapalakpak.

Sa sobrang pagtataka ko ay biglang nawala ang sinok ko. Naalala ko na hawak pala ni Nathaniel ang kamay ko kaya hinila ko iyon.

"What the hell is happening?" tanong ko sa kanya.

 

Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin.

"We're just celebrating kasi nagkabati na kayo ni James." sagot ni Annika.

"Ha?"

 

"Oh come on guys. Why don't you tell her the truth already."

 

Tiningnan ko si Erica. Anong truth?

"That everything is a set-up. That you guys hired me para pagselosin siya."

Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Erica.

"So... Ibig mong sabihin..."

"It was all just an act." Tuloy ni Erica. Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng napakalamig na tubig sa narinig ko.

 

"Annika. Alam mo to?"

 

Tumango siya.

"Kanina ko lang rin nalaman eh. Sorry."

 

Tiningnan ko lang sila isa-isa. Tapos ay nagmadali na akong lumabas ng restaurant. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila akong lahat. Naiinis ako.

Can you imagine that. Ayoko talaga siya iimagine. Naiinis ako lalo. Pinaglaruan niya ako. Nagselos ako para sa wala. Ayan na. Inamin ko na nagselos ako. There's no point in denying.

 

"Tangs!"

 

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon