Chapter 42 - Heartbeat

8.2K 143 5
                                    

Andito na kami ngayon sa mismong gate ng bahay nila Nathaniel. Kasama ko sina Dominic at Albert. Hinatid lang nila ako. Si Dominic na ang nag door bell. Agad namang lumabas ang isang maid. Pero hindi niya kami pinagbuksan. Mukhang natatakot siya at the same time apologetic.

"Pasensiya na po kayo Sir Dominic, Sir Albert. Kabilin-bilinan po kasi ng young master na wala pwedeng papasukin. Sorry po."

"It's okay. Hindi naman kami papasok eh. Hinatid lang namin siya." turo sa akin ni Dominic. Napatingin naman sa akin ang maid.

"Siya po ba si Miss Diana?"

 

Tumango lang ang dalawa. Tapos ay pinagbuksan na ako ng gate ng katulong.

"Pasok na po kayo Miss Diana."

 

Parang nagdadalawang isip na ako sa gagawin ko. Parang gusto ko nang umatras. Tumingin ako sa likuran ko. Nagulat ako kasi wala na ang dalawa doon. Nakasakay na sila sa kotse at kinawayan ako.

"Mauuna na kami Diana ha. Ikaw ng bahala kay James."

Parang gusto kong maiyak habang sinusundan ang mabilis na pagharurot ng kotse nila. Sinigurado lang talaga ng dalawang yun na pupunta ako dito. Paano na lang pala kung pinagtitripan lang nila ako? At magkasabwat sila ng ungas na yun.

Pero si Annika rin naman mismo ang may sabi na maysakit si Nathaniel. May tiwala naman ako kay Annika. Alam ko na hindi niya ako ipapahamak. Pumasok na rin ako. Mukhang kanina pa naiinip itong katulong eh.

Iginiya na ako ng katulong papasok ng bahay. Ito ang second time na nakapasok ako sa bahay niya. Noong una ay hindi ko masyadong napansin kung gaano kaganda ang bahay nila. Wala ako sa sarili noong time na yun eh. Hindi ako sigurado kung mas malaki ang bahay nila or kapareho lang ng sa amin.

Napansin ko lang talaga na sobrang ayos ng bahay nila. Hindi ko naman sinasabi na magulo ang bahay namin. Kaya lang, iyong bahay nila may kakaibang aura. Iyon bang matatakot kang gumalaw dahil sobrang linis niya. Ang tahimik ng bahay nila, parang walang nakatira.

Umakyat na kami ng hagdan. May ilang mga maids na nakatayo sa labas ng isang pinto. Kung tama ako ng pagka-alala, parang iyon ang pinto ng kwarto ni Nathaniel. At hindi nga ako nagkamali. Binuksan iyon ng maid.

"Good morning Miss." bati nila sa akin. Nginitian ko lang sila. Pero wala akong ngiti na nakuha sa kanila. Nakayuko na lang sila.

Pumasok na rin ako. Nakita ko si Nathaniel na nakahiga sa kama niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Medyo kinakabahan ako. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang yabag ng sapatos ko. Natural, alangan namang may marinig ka pang iba. Mas kabahan ka pag ganun.

Nakapikit lang siya. Tinusok ko ang mukha niya gamit ang daliri ko. Tinitingnan ko kung buhay pa siya. Baka mamaya natigok na pala to. Biro lang.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon