Chapter 65 - Jason

4K 95 8
                                    

“Hindi siya pumasok Diana eh.”

Nanlumo ako sa sagot ni Albert. Pumunta ako sa room nila para makita si Nathaniel pero wala siya.

“Tinawagan mo na ba Diana?”

Tumango lang ako bilang sagot kay Dominic. Kagabi ko pa nga siya tinatawagan pero hindi siya sa sumasagot. Parang wala akong lakas na sabihin ‘yun sa kanila.

“May problema ba kayo ni James?”

“Wala Stephen. Wala. May sasabihin lang sana ako sa kanya. Pero hindi naman ganoon kahalaga. Kalimutan niyo na. Sige alis na ‘ko.

Tinalikuran ko na sila agad at mabilis na naglakad papalayo. Nang makaliko ako at alam kong hindi na ako makikita nang tatlo ay tumigil ako sa paglalakad. Napasandal na lang ako sa pader.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko na nga alam kung anong sasabihin ko sa kanya  tapos hindi ko pa siya mahagilap.

“Wala daw si James sa bahay nila.”

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat sabay tingin sa nagsalita.

“Stephen naman. Huwag kang nanggugulat.”

Ngumiti muna siya bago nagsalita ulit. “Ngayon sasabihin mo na ba sa’kin kung anong nangyayari?”

“Wala. Walang nangyari.” sagot ko. Pero hindi ko siya magawang matingnan nang diretso kaya alam kong alam niyang hindi ako nagsasabi nang totoo.

Hindi na siya nagsalita ulit. At kahit na hindi ako nakatingin sa kanya alam kung nakatitig lang siya sa’kin at naghihintay na sabihin ko sa kanya ang lahat. Bumuntung-hininga ako. Binasag ‘nun ang katahimikan.

“My brother found out. Nalaman nang kapatid ko ang tungkol sa’min ni Nathaniel. At pinagbawalan niya akong makipagkita ulit sa kanya.”

“Don’t you think it’s time na sabihin kay James ang totoo?”

“No!” kahit na mahina lang ang pagkakasabi ko ay para naming nagsusumigaw ang loob ko sa pagtanggi.

“Kahihiyan ako para sa pamilya namin Stephen. At wala akong karapatan na ipaalam sa mundo ang bagay na ‘yun. Kahit kay Nathaniel pa.”

“Ano nang balak mo ngayon? Lalayuan mo na ba si James tulad ng gusto nang kapatid mo?”

Napaupo na lang ako. Parang wala na kasing lakas ang mga tuhod ko. Tuwing iisipin ko kung anong gagawin ko ay parang nauubos ang lakas ko.

“Hindi ko alam Stephen. Hindi ko alam. I… I… I missed him.”

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon