Chapter 12 - Puno

9.4K 160 3
                                    

Diana’s POV

30 missed calls

50 messages

Lahat kay Edrian galing.

1st message

“Answer your damn phone Diana”

LAGOT

 

 

2nd

“Where the hell are you? Nag-aalala na kami sayo. Kanina pa kami naghahanap ni Manong sayo”

LAGOT NA NAMAN. Talagang nagpunta na siya dito.

3rd

“Kanina pa ko tumatawag sayo.”

Halata naman. 30 missed calls nga eh….. Naku, nagkapanahon pa talaga akong mamilosopo. Baka galit na si Edrian ngayon.

Nakasilent pala  tong phone ko. Kung bakit kasi ang tanga ko eh. Hindi ko man lang naisip tingnan kung may nag text o tumawag.

Lagot na talaga ako.

Hindi ko na tiningnan ang iba pa niyang message. Dali-dali ko idinial ang number ni Edrian pero hindi pa ko natatapos mag type ay may tumatawag na naman. Si Edrian. Sino pa ba.

Nanginginig na sinagot ko ang tawag niya. Natatakot ako eh. Hindi pa man ako nakakapag hello ay may nagsalita na agad sa kabilang linya.

“For crying out loud Diana. Asan ka ba? Ano nang nangyari sayo? Bakit ang tagal mo bumalik. Kanina ka pa namin hinahanap ni Manong. Kanina pa ako tumatawag sayo pero hindi ka sumasagot. Nag-aalala na kami sayo.”

 

 

 

“Ah, Edrian.”

 

 

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon