Chapter 53 - Goodbye

7.6K 140 13
                                    

Dedicated sa’yo Robelin… Bilisan mo para makaabot ka na dito… Hahahaha

 

Nag-update na naman ako kahit hindi pa namemeet ang quota. Ano ba yan… Ang dali kong mapilit… Anyways tuloy pa rin iyon… Pero kapag feel ko mag-update, mag-uupdate na rin siguro ako… Ay ewan… Bahala na.

 

 

iamhopelessromantic

 

 

 

"You don't know I like you."

 

Iyon ba talaga ang sinabi niya? Ulitin ang natin.

"You don't know I like you."

Iyon nga. Isa pa. Baka mali lang ako ng dinig.

 

"You don't know I like you."

 

"Anong sabi mo?"

 

"Tsssk. Napakatanga mo na nga sobrang bingi mo pa. Kailangan ko ba talagang ulit-ulitin na I like you."

 

Tinalikuran ko siya at naglakad ako palayo. Pero naabutan na naman niya ako. Marahas niyang hinablot ang braso ko at iniharap ako sa kanya.

"What the heck. I just told you I like you and your reaction is to run away from me?"

 

"Iisipin kong wala kang sinabi."

 

"What? You'll act like you didn't know I like you? Are you even for real?"

 

"At anong gusto mong gawin ko? Magtatalon sa sobrang tuwa? Sira-ulo ka ba? Noong nakaraang linggo lang nacucurious ka lang sa akin tapos ngayon you like me. Batok gusto mo?"

 

"What the hell are you talking about? Anong nacucurious? What made you think na nacucurious ako sa'yo?"

 

"What made you think ka diyan. For your information I didn't think of it. It so happened na narinig kong sinabi mo yun. Kaya huwag ka nang tumanggi diyan." Magsisinungaling pa to. Babatukan ko na talaga siya.

 

"And when did I say that? Wait... That night... Noong bigla kang umalis, is it because of that? We're you mad at me because of that? Kaya mo ba ako iniiwasan."

 

I was caught off guard sa tinanong niya. Hindi ako agad nakasagot. Nagalit nga ba ako dahil doon?

"ANO KA BA???"

 

"Anong ano ka diyan. Huwag ka ngang sumigaw. Para kang baliw. Ang lapit-lapit ko lang sa'yo tapos naninigaw ka."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon