Chapter 46 - Cheer

8K 158 8
                                    

I dedicate this chapter to JeannieRoseParungao. Well this is sort of an apology. I told her kasi na I will update last Saturday but I wasn’t able to. Something unfortunate came up kaya hindi ako nagkapanahon magsulat. Same thing goes for Me_keytii and to all of you. Pasensiya na talaga at natagalan.

iamhopelessromantic

"Cheers." Sigaw namin sabay taas ng baso. Juice lang naman ang iniinom namin. Nasa theater hall pa rin kami, katatapos lang ng play at naging successful naman ‘yun kaya naman nagcecelebrate kami ngayon. Medyo marami rin ang nanood sa play namin. Sabagay bakit pa ba ako nagtataka? The fact na si Annika ang president ng club ay  natural marami talagang pupunta. Plus points na lang na maganda talaga ang play.

Nag order ng food si Annika para sa lahat. It's still lunch and we still have a long day ahead. Since foundation day ng school ay marami pa kaming activities and events na pwedeng i-enjoy. Kaya nga sinadya ni Annika na morning ang presentation ng play  para makapaglakwatsa pa kami after.

Maraming mga booths and even rides na nagkalat sa loob ng campus. At sobrang excited na kaming puntahan ang lahat nang ‘yun. The event will extend up to midnight. In-open din daw ang school for students of other schools kaya naman sobrang dami  talagang tao.

"Siya’nga pala Albert and Dominic ask me for some hands to cheer for them. They have a game. Basketball. Sana okay lang sa inyong manood?"

Narinig ko ang pagtili ng ibang girls. They pretty much like it. Mukhang hindi na sila kailangang pakiusapan ni Annika.

"Sige na Diana manood na tayo." Napatingin ako kay Ina. Is she really begging me to watch the game? Kailan pa siya nahilig sa basketball?

"Okay, sige manood tayo." Nakita ko na napatalon ng konti ang mga girl friends ko. Mukhang may balak lumandi ang mga ‘to. Pagbigyan na.

"Okay let's all go then." sabi ni Annika na nauna nang maglakad.

Nasa entrance na kami ng gym nang maramdaman ko na ang pagvivibrate ng phone ko.

"Charlotte mauna na kayo. I'll just answer this." Tumango lang si Charlotte kaya tumalikod na rin ako at sinagot ang phone ko.

"Kuya Edrian. Napatawag ka?"

"Sasabihin ko lang sa'yo na huwag mo na akong hintayin for dinner. I'll be home late."

"Okay. Late na rin akong uuwi. It's our shool's foundation day and we made some plans. Nagpaalam na naman ako kay Yaya eh."

"Just be home before ten okay. Tatawag kasi sila Mom at Dad mamaya ang they will be worried sick kapag hindi nila nakausap ang isa sa'tin."

"Yeah I will. Don't worry."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon