Chapter 11 - Nathaniel (Part I)

9.3K 171 7
                                    

Diana's POV


"AY PALAKA!!!!!"

Nagulat ako sa nagsalita at lalo akong nagulat ng makilala ko iyong taong nagsalita.

Anong ginagawa ng lalaking to dito?


"Ano ba, ba't ka ba nanggugulat diyan."


"Eh bakit ba kasi napakadali mong magulat? Para nagsalita lang ako eh, nagulat ka na agad."


"Eh bakit kasi bigla ka na lang sumusulpot? Tsaka ano na naman bang kailangan mo sa akin ha?"

Hindi agad siya nakasagot. Parang nagulat pa nga siya sa tanong ko. Ano na naman kaya problema nito? Naisip ko lang. Mukha naman kasing parating may problema ang lalakijng ito eh. Tapos idinadamay pa ako.

"Wala akong kailangan sa'yo no."

Napasimangot ako. Wala daw siya kailangan.

"Eh bakit ka andito?"

"Bakit, hindi ba ako pwede mamasyal dito sa park?"

Hindi ko maiwasang itaas ang kilay ko. Kasi parang hindi kapanipaniwala na gustong mamasyal ng lalaking to sa park.

Magsasalita pa sana ako ng may kumalabit sa akin. Muntik ko na makalimutan may kasama pala akong bata. Haaayyyy. Dumating lang tong ungas na to ay nagulo na agad utak ko. Panggulo kasi talaga to eh. Sarap upakan. Sa dami-daming tao dito sa park ay ako pa talaga ang nilapitan.

"Ate tino tiya? Boypren mo po?"

Walanghiyang batang to. Ke bata-bata ay may kalokohan ng nalalaman. Pagkamalan pang boyfriend ko tong abnormal na to.

"Hoy bata, hindi ko girlfriend ang pangit na babaeng iyan."

Aba't!!!!!! Talagang masama tabas ng dila ng lalaking ito ah. Kung makapanglait na pangit akala mo naman kung sinong gwapo. Pero gwapo naman talaga siya.

Ayyyyy. Ang gulo ko. Basta ayoko sa kanya. Masama ang ugali. Kung gaano siya kagwapo doble nun ang sama ng ugali niya.

"Hindi ko iyan boyfriend James. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para pumatol sa diyan?"

"James???" puzzled iyong mukha niya.

Ay oo nga pala. Anak ng palakang bukid. Magkapangalan pa pala sila

"Itong bata ang kausap ko."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon