Chapter 75 - King and Queen

3.4K 92 17
                                    

Hi Riakimseok... Para sa ilang buwan mong paghihintay

Mai

"Tititigan mo na lang ba ako?" pabirong tanong niya kay James. 

"You're late." sagot nito na hindi pa rin inaalis ang mata sa mukha niya. 

"Does it matter?" Sa halip na sumagot ay bigla siyang hinalikan sa pisngi nito.

"Of course it matters. That's for not answering my calls and for making me worry. Do it again and you already know what I’ll do." Banta nito. Pero bahagya itong nakangiti. Ini-arko nito ang braso. Wala naman siya sa sariling kumapit dito at sabay na silang lumapit sa mga kaibigan na sobrang kay lalapad nang ngiti.

Sinalubong agad siya nang yakap nina Charlotte. "Where have you been? Akala ko talaga hindi ka na darating."

"Pwede ba naman 'yun?  Takot ko lang sa'yo." Sumimangot ito sa sagot niya. Ilang sandali pa ay nagsi-upo na silang lahat. Nagpatuloy pa rin ang program. Hawak hawak lang ni James ang kamay niya sa ilalim nang mesa. Kaya naman pareho silang dalawang hindi pumapalakpak. Wala rin namang nakapansin o pumuna. Binitawan lang nito ang kamay niya nang sinerve na ang dinner.

Nang natapos silang kumain ay nagpaalam sa kanila si Annika. May aasikasuhin pa daw ito para sa party. Ilang minuto lang ay nagpaalam din si James kay Diana. Hindi naman niya ito masyadong inusyuso at hinayaan na lang na umalis. 

Natapos ang maraming intermission at ilang speech ay hindi pa rin bumabalik sina Annika at James. Hindi na rin nila mahagilap sina Dominic at Albert na hindi nila namalayang umalis. Panay na ang tanong nang mga babaeng sinasadyang dumaan sa table nila para itanong kung nasaan ang dalawa.

"Mukhang inindiyan ka na nang date mo." Lumingon si Diana kay Mark at ngumiti dito. Sila na lang palang dalawa ang nasa mesa nila. Nasa dance floor na silang lahat. 

"Hey. Nagbibiro lang ako. I'm sure babalik na 'yun." Hindi nakatakas dito na pilit lang ang ngiti niya. Tumango lang siya. Mag-sasalita pa sana si Mark nang lumapit sa kanila ang mga kaibigan at hinila sila patayo papunta sa dance floor. Wala na ring nagawa ang dalawa. Gumawa sila nang bilog para magkaharap-harap silang lahat. Kung anu-ano lang ang dance moves na ginagawa nila baka nga hindi pa matawag na sayaw ang ginagawa nila. Lahat yata nang hiya at hinhin na meron ang bawat isa ay iniwan na lang sa labas nang ball room.

Napalitan ang music nang Time after Time ni Cindy Lauper.  May ibang umangal pero wala ring nagawa ang mga ito kung hindi magsiupo. May mangilan-ngilan naman na niyaya ang kanila-kanilang partner sumayaw. Isa na si Charlotte dun. Kinurot pa siya ni Nica sa tagiliran bago ito mabilis na naglakad papalayo sa dance floor. Inirapan lang siya nito.

Nangingiting sinundan na ni Diana ang mga kaibigan. Nakailang hakbang na siya nang may humawak sa braso niya. Nilingon niya ito saka kumunot ang noo niya kay Mark. Nakapalapad nang ngiti nito bagama’t magpaghahalatang kinakabahan ito. Binitwan nito ang braso niya para lang ilahad sa kanya ang kamay nito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mukha tapos sa kamay nito.

“May I have this dance?”

Hindi pa agad nakasagot si Diana. Ito kasi  ang unang beses na may nagyaya sa kanyang sumayaw at hindi niya inaasahan na ang kaibigan niya ang gagawa nun. May ilang mga tao nang nakatingin sa kanila. Nakatayo lang kasi sila sa gitna nang dance floor. Nang maisip ni Mark na hindi na talaga makikipagsayaw sa kanya si Diana ay inilayo na nito ang kamay. Tila nagising naman sa pagkakatulala si Diana. Kinuha niya ang kamay ni Mark at nginitian ito.

Inilagay ni Diana ang isang kamay niya sa balikat ni Mark. Nagdadalawang isip naman ito na hawakan siya sa bewang. Nagsimula na silang magsayaw. Ngayong ganito sila kalapit ay napansin ni Diana na may katangkadan din pala ang kaibigan. Kailangan pa niya itong tingalain. Natigilan naman siya kasi hindi inaalis ni Mark ang pagkakatitig sa kanya.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon