Eto na ang update na ipinangako ko. Maikli lang to. Ilang araw ko na tong sinusulat pero kagabi lang talaga siya natapos. Medyo nahirapan akong isulat to kasi BROKEN HEARTED ang lola niyo. Broken hearted ako dahil sa G2B. Paskong-pasko ganun ang episodes. Nakakastress.
Anyways, pagpasensiyahan niyo na kung may typo errors... Hindi ko na nacheck eh...
iamhopelessromantic
Pumasok kami sa gate Shalom High. Sa pagkakaalam ko, we're rivals with this school.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya pagkababa na pagkababa ko pa lang ng kotse.
"Why did you get out?"
"Huh? Hindi pa ba tayo dito?"
Napabuntunghininga siya.
"Nevermind." sabi niya at the same time offering his hand.
Tinanggap ko na rin yun tapos ay naglakad na kami. Sa isang kamay niya ay may bitbit siyang bag. Halos kaladkarin na niya ako sa bilis niyang maglakad. Hindi naman ako makapagreklamo kasi mukha talagang nagmamadali siya.
Ilang hakbang pa ay nakarinig ako ng malakas na sigawan. At mukhang sa pinanggalingan ng sigawan ang punta namin.
"Nat anong meron?"
"You'll see" sagot niya habang tuloy-tuloy pa rin sa pagkaladkad sa'kin.
Nasa labas pa lang kami ng building na pinanggalingan ng sigawan ay may sumalubong na agad sa min. He seemed relief nang makita kami.
“Where’s Annika? Siya ang pinapunta ko dito?”
Nagsuplado na naman si Nathaniel kaya natakot ang sumalubong sa’min. Hindi agad siya nakasagot.
“She’s watching the game.”
BINABASA MO ANG
When Suplado Boy Meets Palaban Girl
Teen FictionSi James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan siya ng lahat. Pero anong mangyayari kung makakilala siya ng isang babaeng walang pakialam kung sino siya? Isang babaeng hindi natatakot sa...