Chapter 14: Kape ♥

10 2 0
                                    

Rica's POV

Hmmmm...Sarap matulog...

*beep beep*

Sino 'to?Ang aga-aga pa ah...Agad kong pinindot yung answer button at sinagot ang baliw na caller na gumambala sa beauty sleep ni Rica Monasterio.

*hello?*sagot ko.

*Rics, gising ka na ba?*

Sabi ko na nga ba, si Carlo lang pala...

*Oo naman, bulabugin mo ba naman ang pagkakatulog ko eh, syempre magigising ako!!!*pilosopo kong sabi.

*Chill...*sabi nya sabay tawa.

*Ano ba kasi ang kaylangan mo?*tanong ko sabay hikab.

*Wala lang, gusto ko lang ng kausap.*sabi nya.

*Ahhhh, ganun...Oh eto...*sabi ko sabay pindot ng end call.

Baliw ehhh...Tama lang sa kanya yun...

*baag*

What the---Ano yun?

*baag*

Anak ng mother, may namamato ba ng bintana ko?Kahit inaantok pa ko ay bumangon na ko dahil baka mawasak ng tuluyan ang bintana namin...

"Rica Monasterio, buksan mo ang pinto!!!Papasukin mo ko!!!"sigaw ng pesteng Carlo na kausap ko lang kanina.

"Ayoko nga!!!Ano ka, CHICKS?!!"sigaw ko sabay belat sa kanya.

"May dala-dala ako para satin!!!"sigaw nya.

"Ayoko pa rin!!!Di ako paawa, ULUL!!!"sigaw ko sabay sara ng bintana.

"Ahh ganun ahhh..."sabi nya sabay pulot ng ibabato nya.

Ay putek...

"Hoy, tama na!!!Papapasukin na kita!!!"sigaw ko sabay takbo sa baba...

"Papapasukin din pala ako eh, gusto pa dinadaan sa dahas..."sabi nya sabay tawa.

"Ulul..."bulong ko sabay akyat sa hagdanan.

"Kumain ka na ba?"tanong nya.

"Hindi pa..."sabi ko habang umaakyat sa hagdan.

"Edi magluto ka..."sabi ni Carlo.

"Yoko pa, inaantok pa ko..."sabi ko.

"Alam ko namang yan ang sasabihin mo kaya nagdala na ko ng pagkain.."sabi nya sabay hugot ng isang medium paper bag sa backpack nya.

"Yehey!!"sigaw ko na parang bata sabay palakpak.

Agad akong tumakbo pababa para salubungin si Carlo dahil gutom na ako.

Hahawakan ko na sana yung paperbag nang tapikin ni Carlo yung kamay ko.

"Hep hep hep..."sabi nya.

"Aray, bakit ba?"tanong ko sabay hawak sa kamay ko.

"Naligpit mo na ba yung hinigaan mo?"tanong nya.

"Magugulo lang din naman eh pag natulog ako..."rason ko.

"Pwes, wag ka na ring kumain dahil itatae mo din..."sabi nya sabay taas ng kilay.

"Eto na po, magliligpit na...Talo na eh, talo na."sabi ko sabay akyat pataas.

~after 5 mins~

"Anong gusto mo, hot choco o non-fat capuccino?"tanong ko.

"Ay taray, oh sige, non-fat cap na lang..."sabi nya.

"Oh sige..."sabi ko sabay gawa ng dalawa.

"Here's your order, Sir."sabi ko sabay bigay sa kanya.

"Wow, ayos na sana ngalang yung server ang baho ng hininga...De joke..."sabi nya sabay tawa.

"Trip mo ko, pre?"tanong ko sabay taas ng kilay ko.

"De, jinojoke ka lang..."sabi nya.

"Ano ba yang binili mo?"tanong ko sabay silip sa loob ng paper bag.

"Dalawang two-pattied burger at dalawang extra large fries..."sabi nya sabay higop sa kape.

"Wow...So any idea for the upcoming high school night?"sabi ko sabay kuha..

"I have an idea on my mind pero di ko alam kung a-agree ka."sabi nya sabay kagat sa burger.

"What idea?"tanong ko.

"Palabunutan, gets mo?"sabi nya.

"Magiging mahirap yun..."sabi ko sabay kagat sa burger.

"Eh kung ang boys na lang bahala na maghanap ng date nila?"sabi ko habang ngumunguya.

"Oo nga no?Pwede...Para walang away..."sabi nya sabay higop ng kape.

"Well, tama ka...Magiging mas masaya yun. Good luck na sa boys, mukhang mag-iipon na sila ng lakas ng loob, hahaha. Oh. eto na yung plano ha?Wala nang atrasan..."sabi ko sabay inom ng kape.

"Ah Rica, since yun na yung plano, magtatanong na ako...Pwede bang ikaw na lang ang maging partner ko sa high school night?"tanong nya.

Ang kanyang napakasimpleng tanong ang naging dahilan ng pagkagulat ko kaya naibuga ko sa kanya yung kapeng iniinom ko.

"What the?Ano bang ginawa ko para bugahan mo ako ng kape?"sabi nya sabay hugot ng panyo at ipinunas sa leeg nya't damit na nabasa.

"Baliw ka kasi uhmmm-uhhmmm, ginulat mo ko.."sabi ko habang umuubo.

"Hay, ano ba naman yan..."sabi nya sabay hubad nung polo nya.

"Sus, nagtakip pa parang akala mo naman may makikita dyan, wala naman..."sabi ko sabay tawa.

"Ewan ko sayo..."sabi nya.

"O sya, o sya, sorry...Hintayin mo muna akong makaligo tapos ihahatid kita sa bahay mo para makaligo ka at makapagbihis...."sabi ko sabay takbo sa banyo.

~after 20 mins~

"Oh, halika na..."sabi ko sabay kuha ng susi ko sa kotse.

"Talagang halika na at naglalagkit na ako..."sabi nya sabay kuha dun sa pinatuyong polo nya.

~on the way to Carlo's house~

"Hmmm?Ang aga-aga pa pala eh, magpo-four thirty pa lang..."sabi ki habang nakatingin sa relo ko.

"Ay naalala ko, ano nga pala yung sagot mo dun sa tinatanong ko?"tanong nya ulit.

Sa sobrang gulat ko na naman sa tanong nya ay bigla kong naapakan ang preno. Buti na lang talaga ay nakaseatbelt kami, kung hindi, malamang putok na ang nguso naming dalawa.

"Oh s#@t!!"sigaw nya.

"Sorry..."sabi ko sabay yuko.

"Oh, ano na?Payag ka ba na ikaw ang maging partner ko?"tanong nya.

"Okay, sige, payag ako..."sagot ko.

Pagkatapos nung usapan namin, nagdrive na uli ako and after a few minutes, nakarating na kami sa bahay nya at nakaligo't nakapagpalit na sya ng damit.

(A chapter for you, readers....Hope you like it..Don't forget to vote, vote, vote...Meet Carlo Soriano sa gilid...)

LOVE OR DISASTER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon