Nikki's POV
“SHET KA!!!”sabi ko.“Mama, sinasaktan ako ni Nikki oh!!!”sabi nung kumag.
“WHAT DID YOU JUST SAY?!!MAMA?OY, HINDI KITA KAPATID KAYA WAG MONG TATAWAGIN SI MAMA NANG GANYAN!!!”sabi ko sabay suntok sa balikat nya…
“Mama oh!Mama oh!”sabi nya.
“NIKKI!!ANONG GINAGAWA MO SA BOYFRIEND MO?!”sabi ni Mama.
Tengene…napagalitan pa tuloy ako ni Mama…at ang masama pa, sa harapan pa talaga ng ugok na ‘to…kitang-kita kong tinatawanan nya ako habang tinatalakan ako ni Mama…MAMAYA KA SA AKIN, MAX BUENAVISTA…
So yun, kumakain na kami ng bigla na namang umalis si Mama…sa tingin ko, kaya sya umaalis para may time kami ni Max na mag-bonding kahit papano…Kahit kelan talaga ‘to si Mama….Ewan ko ba, tapos dagdag pa ‘tong ugok na kasama ko ngayon.Shit naman oh, dagdag palamunin pa ‘tong lalaking ‘to eh.Nung kami na lang ulit dalawa, nakakabwisit si Max kasi hindi ako makakain ng maayos dahil tingin sya ng tingin sa akin.Nakaka-insecure tuloy…T_T
Max’s POV
Sobrang tahimik naman dito…Tapos yung kasama mo pa parang pipi na hindi makapagsalita…Kaya tinanong ko na lang sya.
“Nikki, nasaan na yung tatay mo?Parang hindi ko sya nakikita dito..”sabi ko.
Nagulat na lang ako nang bigla syang umalis sa kinauupuan nya.Ay ano ‘to?BASTUSAN?
Anong nangyari dun?
Nikki’s POV
Ayoko sa lahat ang pinag-uusapan tungkol sa papa ko…Iniwanan nya kami ni Mama nung 10 years old pa lang ako.Hindi dahil sa sakit, kungdi BABAE.Mas pinili pa nyang maging bata nang isang sugar mommy kesa makasama kami.Anim na taon ko na syang di nakikita at wala na akong balak na makita pa sya.
Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa balikat ko.
“Ba’t ka umiiyak?”sabi ni Max.
“Ahh..ehh..ang asim kasi nung calamansi juice.”palusot ko.
“Hwag mo nga akong lokohin…Grapes kaya yung flavor nung iniinom nating juice.”rason nya.
“Este sinigang.”sabi ko.
“Ano yon?”sabi nya.
P*ta…ang yaman-yaman ng bwisit na’to hindi alam kung ano yung sinigang?!Shocks..
“Ulam yun..”sabi ko.
“Parang hindi ko pa nakakain yun ah..”sabi nya sabay kamot ng ulo.
“Try mong inumin, kung carry mo..”pambabara ko.
“Bakit?Pwede ba?”sabi nya.
Letche…IGNORANTE PALA KAUSAP KO…
“Bumalik na nga lang tayo dun..”sabi ko…Baka mapakwento pa ako dito tungkol sa history ng sinigang…Hay naku..
Nung pabalik na kami, bigla nya akong tinawag ulit.
“Oy, Nikki Santos…parang nakakalimutan mo ata na may date pa tayo?!”sabi nya tapos nag-cross arms.
“Ayoko…tinatamad ako.”sabi ko.
Akala ko sumunod na sya sa sinabi ko kasi umalis na, yun pala, pupuntahan nya si Mama para doon magpaalam!!!
“Ah, Mama…pwede ko po bang hiramin ang anak nyo?”sabi nya.

BINABASA MO ANG
LOVE OR DISASTER?!
RandomMeet Nikki Santos...Ang babaeng ang hilig sa buhay ay mag-aral, mag-search tungkol sa EXO, at naghahangad ng payapa at tahimik na mundo. When a bad thing happened... Dahil sa isang katangahan, she'll be forced to be the girlfriend of the campus hear...