Chapter 17: Street Food ♥

7 1 0
                                    

Nikki's POV

Saan na naman kaya ako dadalhin nito?Sa totoo lang ah, pwede si Max na maging taxi driver. Ang daming lugar na alam eh...Panigurado malaki ang tip nito lalo na pag babae o kaya bakla ang pasahero, de joke.

So, balik sa kwento, sumilip ako sa may bintana ng may makita akong dagat...Wow...Nice view.

Nag-park sya sa gilid at lumabas na kami.

"Anong ginagawa natin dito?"sabi ko.

"This is my favorite place to stay in when I feel bored..."sabi nya habang nakapamulsa.

Dumiretso na kami dun sa seashore at grabe, ang dami ng nagtitinda ng street food dito, di ko tuloy mapigilang maglaway.

"Anong tinitingnan mo dyan?"sabi nya sabay tingin sa akin.

"Ayun ohhh, street food, kain tayo..."sabi ko sabay hila sa kanya.

Agad syang tumingin sa mga pagkain dito at mukhang nadiri sya.

"Are you sure that's safe to eat?"tanong nya.

"Oo naman, nilagyan lang naman nila ng oxalic acid para talagang malinis..."sabi ko.

"What?"sigaw nya.

"De joke lang, binibiro ka lang eh..."sabi ko sabay tawa.

"Wala pa bang namamatay sa pagkain nyan?"sabi nya.

"Wala pa noh..."sabi ko sabay lapit sa tindera.

"Geez..."sabi nya.

"Manang, sampung kwekwek nga at apat na adidas."sabi ko.

"Adidas?"tanong na naman ni Max.

"Sa panahon ngayon, hindi sapatos ang adidas. Ay teka, bayad mo..."sabi ko.

Agad nyang nilabas yung credit card nya. Napa-facepalm ako sa ginawa nya.

"In cash po."bulong ko.

"Ahh, ganun ba, eh eto..."sabi nya sabay dukot ng isang libo sa wallet nya.

"Wala po akong isusukli dyan."sabi ni Manang.

"Ako na nga lang..."sabi ko sabay bayad ng bente at kuha ng binili namin.

"San tayo?"tanong ko.

"There.."sabi nya sabay turo gamit nguso nya.

Tama, maganda dun...Wala masyadong tao sa part na yun.

~sa damuhan malapit sa dalampasigan~
~magkaharap kami~

"Yuck, what was that?"sabi nya ng inabot ko sa kanya yung adidas.

"Baliw, kainin mo."sabi ko sabay kain ng adidas.

"It looks creepy...What was that?"sabi nya sabay kuha ng isa.

"Paa ng manok."sabi ko.

"Nasty."sabi nya sabay layo nya ng mukha nya sa pagkaing yun.

"Try mo, masarap.Mas masarap yan pag may sawsawan..."sabi ko sabay sawsaw dun sa sauce.

Ilalapit na nya sana yung mukha nya ng bigla syang napapikit.

"I can't do it..."sabi nya.

Ah ganun ahh...Kumuha ako ng isang adidas at tinanggal ito sa stick sabay subo sa kanya.

"Kainin mo na."sabi ko habang nakasalaksak ang kamay ko sa bibig nya.

"No..."bulol nyang sabi.

"Ahh ganun ahh..."sabi ko sabay pasok nung pagkain sa bibig nya.

"Hmmmm!!!"sabi nya sabay kagat sa daliri ko.

"Aray!"sabi ko sabay kuha dun sa kamay ko.

"Yan, buti nga sayo...Isungalngal mo ba naman sa akin eh...Buti na lang di ako nabilaukan."sabi nya habang ngumunguya.

"Oo na, eh kung hindi ko naman ginawa yun eh di, di mo nalaman na masarap yung adidas...Ang masama ngalang pati yung daliri ko muntik mo na ring kainin."sabi ko sabay kuha ng hand sanitizer at nilagyan yung kamay ko.

"Yeah, this weird stuff tastes good."sabi nya sabay kuha ng isa pang adidas.

"Talaga...Oh eto, subukan mo tong kwek kwek..."sabi ko sabay tuhog ng dalawang piraso.

"What's that orange stuff?"sabi nya sakin sabay pindot dito.

"Ano ba namang tao 'tong kasama ko ngayon?Parang hindi ka Pilipino, alam mo yun?"sabi ko.

"Don't blame me. Hindi lang talaga ako kumakain ng mga bagay na nakabalandra dyan sa labas na pwedeng dapuan ng mga germs."sabi nya.

"Gagi, yun nga yung pampasarap dun eh, yung tipong medyo maalat yung pagkain kasi pati yung pawis nung nag-iihaw napupunta na sa pagkain...Hahaha..."sabi ko.

"What did you say?"sabi nya with wide eyes.

"De jinojoke lang kita.Malinis yan noh!!Try mo..."sabi ki sabay alok sa kanya.

Agad nyang isinubo yung kwek kwek at dahan-dahan nyang nginuya.

"It tastes like an ordinary boiled egg..."sabi nya habang kinukumpas yung stick sa ere.

"Tama, masarap di ba?"sabi ko.

"Yes, that's right..."sabi nya sabay tuhog ng limang pirasong kwek kwek at sabay sabay nyang ipinasok sa kanyang bibig.

Grabe tong lalaking to...Pa-arte arte pa, yun pala, mas patay gutom pa sa akin.

Papagalitan ko sana sya ng makita kong papalubog na ang araw.

"Wow..."sabi ko sabay angat ng isang kamay ko na parang aabutin ko ang araw.

Ang ganda talaga...Parang nawala ang stress ko nung makita ko yun.Yung tipong naubos lahat ng bad vibes ko dahil lang sa isang simpleng bagay...

Matagal na rin akong di nakaka-witness ng ganito. Maya-maya pa'y nakita kong nakataas na rin pala ang kamay ni Max at diretsong nakatingin sa sunset.

"Ang ganda..."sabi ko habang nakataas pa rin ang kamay ko.

"I told you..."sabi nya habang nakangiti.

For the first time in forever~~
(ngunit walang forever~~)

Wow, nakangiti na sya...

"Ayos din pala ehh..."bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kanya... Ng---

"Enjoying the view, huh?"sabi nya habang nakatingin pa rin sa araw.

"Pano mo naman nalaman?"sabi ko.

He didn't answered. Kaya nagfocus na lang ako sa sunset. At itinaas uli ang kamay ko saka pinikit ang mata ko.

"Alam mo Max, para daw makapagrelax, itaas mo daw ang isang kamay mo at pumikit ka, at isiping ikaw lang nag-iisang tao sa lugar na ito."sabi ko habang nakapikit ang mata.

Aaahhh, ang sarap sa pakiramdam...Malamig dahil sa simoy ng hangin at mabango dahil sa nagkalat na mga ligaw na bulaklak dito.

Agad akong dumilat at nagulat ako ng makita kong nakatingin sakin si Max.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?"tanong ko.

"Wala..."sabi nya.

"Halika na nga.Uwi na tayo. 6:00 na ohh..."sabi ko sabay tayo.

Max's POV

You're becoming interesting now, Nikki Santos.

(Omayghad...Malapit na itu....Just another sweet chapter, readers. Don't forget to vote...)

LOVE OR DISASTER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon