Nikki’s POV
Papunta na sana ako sa room namin nang biglang may sumabunot ng buhok ko…Sa sobrang sakit , hindi ko napigilang sumigaw…
“ARAY!!!”sabi ko.
Dahil sa biglang paghila nila sa buhok ko, nalaglag tuloy yung salamin ko...At ang masama pa, nabasag!!!
“So?San ka naman nakakita ng sinabunutang hindi nasaktan?”sabi ni Margaux.
“So, this is the girl?”sabi nung alalay nya.
“Bakit?Anong kailangan nyo?”sabi ko habang nakahawak sa buhok ko na hila-hila nya.
“Ikaw pala ang umagaw kay Max ko!!”sabi nya.
“Hindi ako yun..”sabi ko.
“Anong hindi?Wag ka nang magmaang-maangan pa!!”sabi nung isa sabay hiklas sa buhok ko.
Hindi ako makalaban dahil may humawak din sa magkabilang kamay ko…Hindi pa sila nakuntento at pinagsasampal nila ang mukha ko…Hindi ko napigilang umiyak.
May mga estudyanteng nakakakita sa amin ngunit hindi na lang sila umawat dahil natatakot sila kay Margaux…Sya kasi ang anak ng university owner kaya Queen Bee sya dito.
“Tama na, please…”sabi ko.
“Anong tama na?Etong bagay sayo!!!”sabi nung isa sabay tapon nung yogurt sa mukha ko.
“Eto pa!!!”sabi din nung isa sabay buhos nang mainit na kape sa braso ko..
“Aaahhh!!Ang braso ko!!”sabi ko.
Max’s POV
Papunta na ako sa school gym nang may nakita na kami ni Carlo na nagkakagulo…
“Anong nangyayari dun, BRO?”sabi sa akin ni Carlo sabay akbay sa akin.
“Ewan ko!!!Nakita mong kararating pa lang natin dito, tatanungin mo ako?At saka tigilan mo ang pag-akbay sa akin…Bakla ka siguro no?”sabi ko.
“Lagi kang mainitin ang ulo!!!At take note, hindi ako bakla no!!!Bakit ko naman sasayangin ang kagwapuhan ko sa pagiging bakla?!!”sabi nya.
Sabagay, may point sya…Ano kayang nangyayari dun?Mapuntahan nga…Nang pumunta na kami, isa-isang humarap sa amin yung mga estudyante at sinabing,
“May nangyayaring giyera, wag na kayong tumuloy..”sabi nung isa…
“Anong giyera?”sabi ko.
“Tingnan mo..”sabi nya.
Pagkakita ko, may kawawang babae na pinagtutulungang patayin(este sabunutan) nila Margaux at nung mga babae. Hindi ko masyado Makita yung mukha nung babae kasi nakaluhod sya nung sinasabunutan…
“P-please….T-tama na…”sabi nung babae.
Teka lang…Parang familiar yung boses na yun ah…Shet!!Si Nikki ba yun?!!
Agad akong tumakbo para pigilan sila…
“Itigil nyo yan!!”sabi ko..
Mukhang nagulat naman yung mga babae…Wait a second, parang kilala ko tong mga kasama ni Margaux ah!!Kung hindi ako nagkakamali, sila yung mga nagtangkang nakawin yung underwear ko sa dorm na dating tinirhan ko…
Agad silang umalis at iniwan si Nikki…Hinila ka naman si Nikki papunta sa clinic nang biglang…
“Aray…aaahh..”sabi ni Nikki.
Pero hindi ko sya pinansin…Dinala ko pa rin sya sa clinic…Nang malapit na kami sa pintuan ay binitiwan ko na rin sya…
“A-aray…A-ang braso ko…”sabi nya.
Hala!!Kaya pala sya nagpupumili na bumitaw kasi nahawakan ko yung pasong braso nya…
“Anong nangyari dyan?”sabi ko.
Leche…Pinaso ba sya nung mga yun?!
“W-wala..”sabi nya habang umiiyak…
“Anong wala?So you mean, ikaw ang pumaso sa sarili mo?!!Anong tingin mo sa akin, baliw?”sabi ko..
Ay galing, tumalikod sa akin!!!BASTOS ‘TO AH!!!
“Humarap ka nga sa akin!!”sabi ko..
Nagulantang ako nang nakita kong puno sya ng yogurt sa mukha….Tapos, namumula pa mata nya..
“W-wala ‘to..”sabi nya habang kinukuha yung panyo sa bag saka ginawang benda at ipinatong sa paso nyang braso…
“Halika nga…”sabi ko…
Sa kasawiang palad, wala yung tamad na nurse dito sa clinic kaya no choice, ako ang gagamot kay Nikki…
Agad akong kumuha nang benda, skin burn ointment, maligamgam na tubig, at face towel.
“Akin na yung braso mo…”sabi ko.
“Bakit?Kakainin mo?”sabi nya..
Langya talaga nitong babaeng ‘to…Tinutulungan na may gana pang mangbara.
“Ibibigay mo ba o hindi?”galit na sabi ko.
Inabot din nya yung kamay nya…Gusto pa kasing nagagalit ako para sumunod ehh…Nung ginagamot ko na, hindi nya mapigilang umiyak dahil sa sobrang sakit…
“Sorry…”sabi ko.
“Ayos lang…”sabi nya…
“Salamat…”sabi nya ulit.
Pagkatapos kong gamutin yung paso nya, hinayaan ko na syang maglinis nang mukha nya…Aba, abuso naman sya kung ako pa ang maglilinis ng mukha nya…De, joke lang…
Nang malapit na syang matapos, tumabi ako sa kanya habang inaayos naman nya yung buhok nyang mala “Amazon Rainforest" sa sobrang gulo…Medyo natatawa nga ako eh kasi parang wala namang nangyayari sa ginagawa nyang pag-aayos kaya hindi ko napigilang hindi sya bigyan ng suklay.
“Oh, eto…”sabi ko.
“Para san naman yan?”sabi nya.
“Suklayin mo yang buhok mo…Nakakabwisit tingnan eh…”sabi ko.
“Salamat pala ah…”sabi nya sabay ngiti…Eyesmile pa…
“Sige alis na ko…”sabi ko…
(a/n:Sorry kung ngayon lang nakapag-update si Author...Ayaw kasi akong pasingitin nang mabait kong kuya kaya hindi ako nakapag-update...
Picture of Nikki Santos sa gilid--------->)

BINABASA MO ANG
LOVE OR DISASTER?!
De TodoMeet Nikki Santos...Ang babaeng ang hilig sa buhay ay mag-aral, mag-search tungkol sa EXO, at naghahangad ng payapa at tahimik na mundo. When a bad thing happened... Dahil sa isang katangahan, she'll be forced to be the girlfriend of the campus hear...