Chapter 12: StuffToy❤

59 3 2
                                    

Nikki's POV

Kakagising ko lang at medyo lutang pa ako. Mahilo-hilo pa ako pero bumangon na ako. Hmm? 6:00 pa lang pala ng umaga. Agad akong tumayo para pumunta sa terrace.Gusto ko munang magpahangin kasi parang nakainom ako.

"Aaahhh....Lamig ng hangin!!!"sigaw ko.

Grabe, di ako makapaniwalang sobrang lamig ngayon. Biruin mo, pag umihip ka sa hangin nagpa-fog?

Unbelievable!!!Lord, South Korea na ba to?

"Hahaha. Ang tanga mo Nikki, san ka naman nakakita na may puno ng niyog sa South Korea?"sabi ko sabay turo dun sa puno ng niyog dito malapit sa pool.

Haiissst...Makabalik na nga, ang lamig eh...

Agad akong pumasok dahil baka maging ice cream ako dito pag tumagal ako.

Nanood muna ako ng t.v. kasi inip na inip ako dahil yung prince charming natin ay tulog pa sa sofa.

Aiissshh, gutom na ko...Ahhh...

"Max, gising na dyan, gutom na ko.."sabi ko habang niyuyugyog yung braso ni Max.

Bale ang pwesto namin ay si Max nakahiga sa sofa, tapos ako nakaluhod sa sahig.

"5 minutes..."sabi nya sabay tapal nung unan sa mukha nya.

"Ano ba yan..."sabi ko sabay alis.

Letche naman oh. Dahil gutom na ko, tumawag na ko dun sa hotel para ipahatid na yung food kahit tulog pa yung kasama ko dito.

After 10 minutes

*ding dong*

Agad akong tumakbo sa may pintuan na parang batang nag-aabang ng pasalubong.

"Miss, here's your food...Kailangan ko pa po bang ipasok sa loob?"sabi ni Ate Waitress.

"Ahh...Wag na po. Ako na lang."sabi ko.

Ipapasok ko na yung pagkain ng maalala kong di nila nadala yung pagkain kagabi kaya nagtanong ako.Wala namang masama sa pagtatanong, di ba?

"Ahh, Miss, tanong ko lang po kung bakit di nyo nadala yung pagkain kagabi.."

"Ano po kasi..."sabi nya.

"Bakit nga po?"tanong ko.

"Alam nyo na po yun..."sabi nya habang tumatawa.

Hala, baliw si Ate. Makapasok na nga, ang hirap kausap ng isang 'to. Papasok na sana ko ng bigla akong pigilan ni Ate.

"Ah, Miss, di ko po alam na medyo agresibo pala yung boyfriend nyo."sabi nya habang tumatawa.

"Hmm?"tanong ko.

"Sige po, good morning."sabi nya sabay alis.

LOVE OR DISASTER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon