Chapter 8: Makeover ♥

42 5 3
                                    

Nikki’s POV

So ayun, umalis na agad kami sa bahay gamit yung sasakyan nya para pumunta sa mall kasi bibilhan daw nya ako ng sapatos at damit…ewan ko ba?

~~~~~~BOUTIQUE~~~~~~

Nandito ngayon kami sa boutique para maghanap ng damit…alangang hardware, syempre boutique kasi damit bibilhin hindi materyales …de joke lang…Ang nakakatawa pa, si Max ang naghahanap ng sapatos para sa akin, hindi ako…Ang galing nga nyang pumili eh. Ngalang nagkakaproblema kami sa size.

“Ano ba namang paa yan?!”sigaw ni Max.

“Bakit?”tanong ko.

“Ang liit-liit!!!Parang wala pang 35 yan eh!!Ang hirap tuloy maghanap ng size!!”sabi nya.

“Sorry naman ah!!Porke kasi sayo parang PALA!!!Ang laki-laki!!!”sabi ko.

“Kahit malaki ang paa ko, matangkad naman ako!!!6’2”!!!Eh ikaw?Wala ka pang 5’4”!!!”sabi nya.

“Oy FYI, kahit maliit ako, cute ako, no!!!”sabi ko.

“Nikki Santos, alam kong magaling ka, magaling na magaling sa kalokohan…pero wag dalas-dalasan ang pagsisinungaling, ha?!!”sabi nya sabay pat sa ulo ko.

~~~AFTER 123456789 hours…joke 5 minutes lang…~~~

Nakahanap din kami ngalang hindi pa tapos ang paghihirap ko kasi maghahanap pa kami ng susuotin ko…Ka-saklap nga naman…

“Ayos na ba ‘to?”tanong ko sabay labas sa fitting room saka ipinakita kay Max.

“Ayoko nyan…masyadong showy…”sabi nya.

Ano ba naman ‘tong lalakeng ‘to?!Halos trentang damit na sinusukat ko wala pang magustuhan!!!ABA MATINDE!!! L

“Eto naman!!!”sabi nya.

Ano ba naman yan!!!Pagod na pagod na ako…HUBAD, SUKAT, HUBAD, SUKAT!!Wala naman akong magawa, takte!!!So, balik ulit sa process…HUBAD, SUKAT, LABAS!!!

“Oh eto!!!”sabi ko.

“Uhh…"sabi nya habang ina-analyze yung maganda ba o pangit.

Sana ito na… Sana ito na… Sana ito na… Sana ito na…

“No…”sagot nya.

SHIT….as in SHIT…Napapakamot na ako ng ulo…Buti na lang mabait yung saleslady at tinutulungan nya akong mag-ayos.

“Oh, eto…”sabi nya sabay bigay sa akin ng isa pang dress.

Wow…ang ganda ng damit na ‘to….in fairness….

“Oh, sige..”sabi ko sabay kuha dun sa damit.

Pasalamat ka Max Buenavista dahil maganda ‘tong damit.

Nagmamadali agad akong pumasok sa fitting room at sinukat yung damit…WOW!!!GUMANDA AKO!!!De joke lang…Masyadong ilusyonada…hahaha..

Lumabas din ako agad para maipakita ko yung damit kasi pagod na pagod na ako eh…Pasalamat talaga sya kasi maganda ‘tong damit kaya sinukat ko…Pagkalabas ko, tinanong ko agad si Max…

“Ayos na ba ‘to?”tanong ko.

Nagulat ako ng makita kong nakatulala si Max…Anong nangyari dito?

Max’s POV

Medyo nagugutom na ako ngayon mag-aalas onse na din at hindi pa ako makahanap ng tamang damit para sa baliw na babaeng’ to...Takte naman kase…halos lahat ng dress dito puro strapless, at saka tube…At higit sa lahat masyadong SHOWY

LOVE OR DISASTER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon