Chapter 13: Kaluskos

11 2 1
                                    

Nikki's POV

Good morning, it's only 5:00 am...Kakagising ko lang galing sa napakahabang tulog mula kahapon. Grabe, hapon na kami nakabalik sa bahay kasi ang arte ng kasama ko. Gusto pa nyang may pasalubong na ibigay kay Mama. Since Monday ngayon at wala namang pasok dahil may seminar ang mga teachers namin, napagdesisyunan kong lumaboy all by myself. Pero bago yun, gagawa muna ako ng reviewer kasi next week na ang examination namin at since nasa Top ako, bawal akong magtamad-tamad dahil baka mawalan ako ng scholarship.

after an hour~

Haha, tapos na ko sa paggawa ng reviewer, for now I'll----

Bbbrrrr~

Oopppsss, that's my stomach, haha...Mukhang kailangan na ng heavy meal ang tyan ko so I need to go to the kitchen now and cook some breakfast for ourselves.

But before that, I need to go to the CR before my pantog explodes.

While I'm walking toward the CR, I turned on the music and dance.

dancing to f(x)'s Red Light

Taray kong mag-english, noh?Makapag-tagalog na nga at baka masermonan ako na hindi ako makabayan, haha.

So, eto ako ngayon, pasayaw-sayaw habang naglalakad nang may narinig akong kaluskos.

Agad kong hinanap kung saan nanggagaling yung kaluskos na yun.

Dito pala nanggagaling sa abandonadong kwarto ni Lola.

"Kssshh~Ksshh~"rinig ko.

Sigurado ba talagang kaluskos yun o ahas? Hindi pala, kasi sss~ sss~ ang tunog nun pag ahas, di ba?May k~ eh kaya hindi ahas yun.

Agad ko na ring pinatay yung music at tinanggal yung earphones ko para mas marinig ko yung kumakaluskos. Medyo nagtataka na nga ko dahil hindi ko malaman kung sino yung gumagawa ng ingay. Well, sabi nga nila, 'There's no harm in trying' kaya bubuksan ko yung pinto nung kwarto nang maalala ko yung isa pang kasabihan, 'Curiosity kills'...Takte...

Ay oo nga pala, hindi naman pala horror tong story na to kaya wala akong karapatang matakot, di ba?Ahehe~Kaya bubuksan ko na!!!

Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan at sumilip. Nakita ko si Mama... She was holding something but I can't see it because her back was facing me. Oh hanep, English yan.

Nakatingin lang ako nang magsalita sya.

"Patawarin mo ako dahil kinuha ko sya sayo...Hanggang ngayo'y hindi pa rin nya alam pero sasabihin ko sa kanya lahat sa tamang panahon."sabi ni Mama sabay hagulgol.

Ano daw?Di ko gets, pwedeng paki-explain?Wala akong maintindihan eh...

Sa sobrang pag-iisip ko, di ko namalayang napihit ko nang todo yung doorknob kaya napalingon sya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Mama. Grabe, nakakatakot si Mama, mukha syang kriminal sa itsura nya.

"Ano po kasi, itatanong ko po sana kung ano yung lulutuin ngayong almusal, yung hotdog ba o yung longganisa?"palusot ko.

LOVE OR DISASTER?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon