Chapter 11: Mother's Plan

7 1 0
                                    

CHAPTER ELEVEN: A MOTHER'S PLAN


THIRD PERSON'S POV


Habang nakikita niyang unti-unting lumalayo ang loob ng anak niyang si Czashwye sa kanila, lalo itong nalulungkot. Gusto niyang ibalik ang dating Czashwye 6 years ago. Ang batang Czashwye na masayahin at mabait. Ang dating Czashwye na palaging open sa kanya pag may problema ito. Ang Czashwye na maunawain at napaka sweet. 'Di niya inaasahan na magbabago ng ganito kalaki ang anak niya. Kahit hindi na nagiging open sa kanya ang anak, alam niya ang mga pinag gagagawa nito. 


Matagal na niyang alam na gangster ang anak niya. Nalaman niya ito 2 years ago nong nasangkot ang anak niya sa isang rambol. Sabi ni Czash sa kanila noon na napagtripan lang daw sila ng mga gangster sa kalye kaya sila napaaway. Naniwala naman siya sa sinabi ng anak kasi mahal na mahal niya ito. Hindi naman sila nagtataka kong lumaban man si Czashwye dahil alam nila na magaling ito pagdating sa mga labanan dahil nag-aral ito ng martial arts nong bata.


Nalaman niyang gangster ang anak niya one time na nagpunta siya sa school 'di dahil pinapunta siya ng prinsipal kundi nag-eespiya. Sinusundan niya ang bawat lakad ng anak saan man ito magpunta hanggang sa nalaman niya ang hide-out nila. Gusto niyang magalit at pagalitan ng todo ang anak pero di niya magawa. Hindi niya masisisi ang anak kong bakit napili niya ang ganitong klaseng buhay kasi alam niyang kasalanan nila ito. Nagkulang sila kay Czashwye lalong-lalo na ang kanyang asawa. Lagi nalang kasi itong cold pagdating kay Czashwye.


Nasa opisina siya ngayon at kasalukuyang inaasikaso ang kanilang hotel dahil may event na gaganapin dito . Gusto niyang magpaka busy para hindi niya masyadong naiisip ang problema niya sa anak. Habang chine-check niya ang mga gagawin, bigla niyang naalala ang isang malapit na tao. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang assistant niya.


"Hello Carlene please come to my office."


Pumasok naman si Carlene na may dala-dalang kape.


"Ma'am here's your coffee."


Nilapag naman ni Carlene ang coffee sa table at humarap sa boss niya. May kinuhang calling card si Mrs. Chua sa drawer niya at inabot sa assistant niya.


"Meet this person. Tell him that I need to talk to him personally. ASAP."


"Okay ma'am."


"Thank you Carlene. You may go now."


... Siya lang ang taong makakatulong sa akin.


***

>> A/N: Ang ikli lang ng chapter na to noh? medyo wala pa akong naisip idagdag pagod kasi. Pasensya na talaga.

The Man I Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon