Chapter 7: Brian's Feelings

10 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN: BRIAN'S FEELINGS

BRIAN'S POV

Simula nong nagpunta kami ni Czashwye sa beach nung nakaraang linggo, palagi ko nalang siyang iniisip. Oo nga pala, sinabi na niya sa akin ang pangalan niya kaya alam ko na ngayon. Pero seryoso, ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko. Ito na ba ang tinatawag nilang L-O-V-E ???



*** FLASHBACK ***


Nasa may cottage ako ngayon hinihintay si Czash na kasalukuyang nagbibihis dahil niyayaya niya akong mag swimming. Ang dami-daming mga babaeng nagpapapansin sa akin pero ni isa wala akong pinansin. Ewan ko ba kung bakit eh dati kasi pag may mga babaeng lumalapit o di kaya'y nagpapapansin sa akin ay agad kung papatulan. Pero simula ng makilala ko si Czashwye, naging deadma naku sa iba. Ni hindi na nga ako nakikipagkita  sa mga babaeng ka flings ko. Parang nagbago na ako because of her. Habang kausap ko ang sarili ko, bigla namang may nagsalita sa tabi ko.


"Brian ang lalim ng iniisip mo jan ahh. Tara na swimming tayo."

"Oh my god!

"Bakit ganyan ang itsura mo? di ba bagay sa akin?"

"Wow!! you're so sexy!! Bagay na bagay sayo yang two piece na yan."

"Ah sus, binubola mo na naman ako eh. halika na nga. "  (sabay hila sa akin)


"Teka muna ang laway mo paki punasan."


"Oh Shit ! may laway nga."


** END OF FLASHBACK **


"Oyy Brian bakit ka tulala jan? may praktis pa tayo." - teammate 1

" Pare kamusta na pala ang date mo naka score ka ba?" - teammate 2

"Anong score ang pinagsasasabi mo jan?" - Brian

"Wag mong sabihin na ang playboy na si Brian Castillo ay naduduwag na ngayon?" - teammate 2

"Ewan ko ba pare pagdating sa kanya parang na totorpe ako pero kung sa ibang babae ,ang dali-daling kong nauuto." - Brian

"Dude inlove ka na talaga sa babaeng yon. Siguradong tutuwid ka na niyan at ibababa mo na ang flag bilang isang casanova." - teammate 1 (sabay akbay sa'kin)

"Hahahahahahahaha!!! sabay tawa nila

"Kaya nga mga pare tulungan niyo naman akong manligaw." - Brian

"Naku dude di na uso yan sa panahon natin ngayon noh ba't di mo daanin sa santong paspasan? Ipakita mo sa kanya kung anong karisma meron ka." - teammate 2

"No pare gusto kong gawing pormal ang lahat dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko. Bukas liligawan ko na siya." - Brian


CZASHWYE'S POV

Nandito ako ngayon sa hide-out namin at kasalukuyang nakikinig sa pinag-uusapan nina Brian
at ang kanyang mga kaibigan. Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko naririnig ang pinag-uusapan nila gayong nasa school sila samantalang ako nandito sa hide-out namin. Simple lang, nong nagpunta kami sa resort nong nakaraang linggo, nilagyan ko ng mic ang pinaka paborito niyang bag. 'Yong bag na lagi niyang dala-dala pag may practice game sila. Napapansin ko kasi na lagi nya itong dala-dala kaya don ko naisipang ilagay yong mic. Sinigurado kong di niya ito mapapansin dahil para lang itong isa sa mga style ng nasa bag niya. Ang talino ko noh?


At dahil genius ako, alam ko na ngayon ang balak na gawing panliligaw ni Brian sa'kin kaya dito ko na sisimulan ang plano ko. Dudurugin ko ang puso niya ng napaka pino para maranasan din niya kung pano masaktan.

The Man I Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon