CHAPTER FOUR
KRRRIIINNNNNGGGG !!!!
"Oh my gosh! what time is it na ba?" padabog kong inabot ang alarm clock sa may side table ko. 7:00 AM palang ang ingay-ingay na ng alarm clock na ito. Ni hindi ko pa maidilat ang isa kong mata sa sobrang antok. Oo nga pala 2AM na akong nakauwi kagabi dahil sa Brian na yon.
Bumalik ako sa pagkakahiga ng may narinig akong kumatok sa pinto.
"Clianne anak, bumangon ka na jan ma lelate ka na."
Hindi ko siya pinansin. Gusto ko munang bumawi ng tulog total boring ang first subject ko ngayon.
"Anak bumangon ka na jan nandito ang lolo mo."
"Mom, inaantok pa ako eh at ang aga pa! Anong meron kung nandito si lolo, kailangan ko ba siyang salubungin ng bonggang-bongga?"
"Czashwye Clianne STOP IT ! lolo mo siya. Kahit hindi kayo magkasundong dalawa, respetuhin mo parin siya."
" OKAY FINE!" (sabay sa pag roll ng eyes)
Agad akong bumangon sa pagkakahiga at naligo. Pagkatapos ng mahaba-habang proseso ko sa pagliligo, bumaba na ako baka kasi pagalitan na naman ako.
"Well kumpleto na tayo so let's start eating!" - daddy
"Ahm Chanice apo, kamusta na trabaho mo?" - lolo
"Ok lang po lolo sobrang busy ko po ngayon kasi ang dami-dami kong mga fashion shows at commercials na nakapila sa iba't-ibang bansa." - Chanice
.... "Sige ikaw na busy. Ikaw na sikat. Ikaw na perfect." bulong ko"Buti nga at nakauwi kapa dito anak kahit busying busy ka." - mommy
"Syempre makakalimutan ko ba naman kayo?" - Chanice
Habang nag kwe-kwentuhan sila, tahimik lang akong kumakain at nag pretend na walang naririnig.
"Ikaw naman Clianne kamusta naman pag-aaral mo? baka naman nagbubulakbol ka na." - lolo
Di pa rin ako nagsasalita. Hinayaan ko sila sa mga sinasabi nila tungkol sa akin.
"Hindi ka nalang ba magsasalita dyan? tinatanong ka ng lolo mo!" - daddy
"Kailangan ba talagang sagutin yan Dad? Hanggang ngayon pa rin ba wala kayong bilib sa akin?"
"Umayos ka ngang bata ka! Hindi ka namin pinalaki para maging ganyan ka bastos!" - daddy
"Totoo naman diba dad! wala kayong ka bilib-bilib sa akin. Simula nong bata pa ako, kahit anu-anong sports ang sinasalihan ko kahit umuuwi ako dito na bali-bali ang mga buto ko. Halos lahat ng instruments sa school tinatry kong pag-aralang patugtugin para matugtugan ko naman kayo kung may mga okasyon na darating. Kahit na nagka sugat-sugat ang mga kamay ko sa kaka strum ng gitara di parin ako sumusuko. Sinikap ko ring maging #1 lagi sa school para naman purihin niyo rin ako kagaya ni ate pero ni isang pagkakataon hindi ko marinig sa inyo yun. Si ate lagi ang bida sa inyo. Pag nagkamali siya okay lang sa inyo pero pag ako ang nagkamali, ang dami kong natatanggap na letaniya galing sa inyo. Kahit ano pa ang gawin ko, hindi pa rin kayo naging proud sa akin. Kaya ngayon sasabihin niyong hindi niyo ako pinalaking bastos?"
BINABASA MO ANG
The Man I Hate
Romance--- Pano kaya kung pinagsama ang isang babaeng GANG LEADER at isang lalaking may title holder bilang isang sikat na CASANOVA sa iisang sitwasyon, ano kaya ang mangyayari??? --- Pano kaya kung may nakahandang misyon sa kanila para sa isa't-isa, m...