CZASHWYE'SPOV
Two weeks na ang nakalipas simula nong nangyari sa gym. Nandito ako ngayon sa bar kung saan kami unang nagkita ni Brian kasi nag text siya sa akin na magkita daw kami. Nakita ko siyang umiinom mag-isa sa may bar counter kaya nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Czashwye buti at dumating ka. I missed you so much!!"
Yayakapin niya sana ako kaso hinigit ko ang kamay niya pa baba.
"Pwede ba Brian 'wag mo nga akong hawakan. Pumunta ako dito 'di dahil sa nag text ka sa akin, nagpunta ako dito kasi may sasabihin akong importante sayo."
"Anong sasabihin mo?" tanong niya
"Kilala mo naman si Alyana di ba?"
Naka kunot ang noo niyang sumagot sa tanong ko.
"Yes I know her. Naikwento ko na siya sayo dati diba?"
"Pinsan ko siya!"
"What?"
"Tama ang narinig mo, pinsang buo ko siya."Kitang-kita samukha niya ang pagkagulat. Sa tingin ko nag pa process pa sa utak niya ang sinabi ko kaya di siya agad naka react. Nong naka bawi na siya, nagsalita agad ito.
"Hahaha now I get it! Pakana mo ito lahat noh? Damn!! What a life. Kong di mo sinabi na mag pinsan pala kayo ni Alyana, di ko ma rerealize na isa pala itong laro. Ang laki kong g@go. Tinuringan pa naman akong isang casanova pero di ko man lang naramdaman na pinaglalaruan na pala ako."
"Alam mo Brian sa una palang, di talaga kita mahal. Pinaniwala kitang mahal kita kasi gusto kong maghiganti sa'yo. At kailanman never kong pinangarap na maging boyfriend ka kaya pasensiya ka na ikaw ang may kasalanan kung bakit ka miserable ngayon. Alam mo kung bakit? dahil isa kang dakilang player. Mahilig kang manakit ng damdamin ng mga babae kaya ganyan ang balik sayo. Alam mo ba ang pinagdadaanan niya ngayon ng dahil sayo? Huminto siya sa pag-aaral dahil sa kahihiyang ginawa niyo ng mga kaibigan mo sa kanya. Naalala mo pa yong picture nila ni Chad? Nang dahil sa lintik na picture na yon, nasira ang mga pangarap niya. Pati ang relasyon niya sa parents niya nasira na rin kaya dapat lang sayo ang maparusahan. Kinakarma ka na dahil sa pinag gagagawa mong pananakit ng damdamin ng mga babae at ang masaklap pa nyan, ako ang naging KARMA mo!"
Tumayo ako sa kinauupuan ko at iniwan siyang nakatunganga pagkatapos kong sabihin yon sa kanya at naglakad palayo na may ngiti sa mga labi.
****
BINABASA MO ANG
The Man I Hate
Romance--- Pano kaya kung pinagsama ang isang babaeng GANG LEADER at isang lalaking may title holder bilang isang sikat na CASANOVA sa iisang sitwasyon, ano kaya ang mangyayari??? --- Pano kaya kung may nakahandang misyon sa kanila para sa isa't-isa, m...