Chapter 2: Her Bitchy Side

19 0 0
                                    


CHAPTER TWO



Time check: 8:00pm. Nandito ako ngayon sa isang sikat na bar kung saan humahang-out itong jerk na target ko ngayon. While looking for him, umorder ako ng isang baso ng alak para pampa-relax. At habang ini enjoy ko ang pag-inom, pinagmasdan ko lang ang mga tao sa paligid. Lahat sila busying-busy. Busy sa paglalandian, busy sa pagsasayaw at busy sa pag-inom. Ganito talaga ang buhay sa bar kaya wala tayong magagawa kung ganito ang makikita natin dito sa loob.



After 206789690 minutes, may mga lalaking dumating. Tinignan ko sila isa-isa baka sakaling kasama nila ang hinahanap ko. At hindi nga ako nagkamali, kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang nakakasuklam na mukha ng lalaking nagpaiyak sa pinsan ko. Nag-ayos  pa ako ng bonggang-bongga para lang mapansin niya ako. Pina curl ko pa ang buhok ko ng bonggang-bongga para sa unang tingin palang niya, maaakit na siya. Nagsuot din ako ng red tube dress na above the knee at pinarisan ng red stilleto.


Nang naka pwesto na sila, lumipat ako ng table malapit sa kanila para madali niya akong makita. Umorder ulit ako ng maiinom at ininom ng dire-diretso. Through my peripheral vision, nakita kong nakatingin siya sa akin. Kaya I give him my sweetest smile sabay alok sa kanya ng inumin.
 


Sa likod ng binigay kong ngiti sa kanya ay nagsasabing bilang-na-ang-mga-araw-mo-jerk smile. He smiled me back sabay winked.


... "Tsk, At may pakindat-kindat pa kong tusukin ko kaya yang mata mo."


..."Humanda kana ngayong ugok ka pagbabayarin kita ng malaki at sisiguraduhin kong hinding-hindi mo ito makakalimutan." dagdag ko


Nakita kong may dalawang babaeng dumating at lumapit sa table nila. Isa dito ay umupo sa lap ni Brian at hinalikan ito bigla. Habang hinahalikan siya nong babae, nakita kung nakatingin siya sa akin na para bang may pahiwatig ang bawat titig niya sa akin na para bang sinasabi nitong you're-my-next-target look. Agad ko naman siyang binigyan ng don't-you-dare-or-else-i-will-bring-you-to-death look pero joke lang yon. Ayokong masira ang plano ko kaya binigyan ko siya ng you-can-get-me-now look.


... "Magsaya ka muna jan kasama ang babaeng yan kasi pag ikaw nahulog sa bitag ko, tignan nalang natin ang mangyayari sa'yo."



BRIAN'S POV



Pagpasok palang namin dito sa bar, sumalubong agad sa aking paningin ang isang babaeng nakaupo sa may bar area. At kung hindi ako nagkakamali, nakatingin siya sa amin o di kaya'y sa akin mismo. Lumipat siya ng table malapit kung saan kami ngayon nakaupo. Tinitigan ko siyang mabuti at napa "Wow!" ako kasi she's so beautiful and she's perfectly hot.


Sa lahat ng babae dito sa loob, para sa akin siya lang ang nag stand-out. Nakita kong nag smile siya sa akin at itinaaas ang kanyang baso na para bang inaalok niya ako ng maiinom kaya nag smile rin ako sa kanya at sinabayan ng pagkindat. Agad namang may dumating na dalawang babae sa harapan namin at biglang umupo yong isa sa may lap ko at bigla akong hinalikan.  Nagulat ako sa ginawa niya nong una pero na realize ko na ako pala si Brian Castillo kilala bilang isang casanova kaya pinabayaan ko siyang halikan ako. Habang hinahalikan ako ng bitch na ito, tinignan ko ang chicks sa kabilang table at  DAMN IT! nakatingin siya sa amin.


"It's been a long time that we didn't see each other babe." sabi mo tatawagan mo ko? naghintay pa naman ako sayo." (sabay pout.)

"Sorry babe, I am too busy this past few days. Alam mo naman ako diba isang varsity player."

"Ahh ganun ba, bawi ka nalang sakin ngayon babe please?" (sabay haplos niya sa mukha ko)

"Not now babe, look ? I'm with my teammates..I'll call you if I'm totally free okay."

"Ok babe.. see you then." (sabay tayo at tinawag ang kasama niya)

"Let's go Alice.. bye Babe!! " (sabay halik sa pisngi ko)

"Damn bitch! sira na diskarte ko nito sa chicks na yon, nakita pa naman niya ang nangyari."

"Hey dude, bakit umalis na sina Trixie himala at tinanggihan mo siya. Grasya na kaya yun" sabi ni Kris, isa sa mga ka teammate ko.

"Alam mo Kris may bagong putahi ako ngayon at mas hot pa kesa dun!! Nakita mo yong girl sa kabilang table? kanina ko pa yan tinititigan." (sabay turo gamit ang nguso)


Napatawa ng malakas si Kris at inakbayan ako.

"Maganda nga, kaya goodluck dude alam ko magaling ka jan kaya pagbutihan mo." (sabay tap sa likod ko)

"Ako pa! kilala mo naman ako diba wala pa yatang babaeng umayaw sa kagwapohan kong 'to."

"So lapitan muna baka maunahan ka pa ng iba jan sige ka."

Agad din akong napaisip sa sinabi ni Kris. Tama naman siya, pansin ko din na maraming nakatingin sa kanya. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko ng .....


Tumayo siya at naglakad papuntang dance floor. Sumasayaw. Habang sumasayaw siya, di ko maiwasan ang pagtulo ng aking laway dahil sa sobrang sexy niyang sumayaw. Kembot dito, kembot doon. Mas lalong umiinit ang temperature dito sa loob ng bar.


"Shit!" I murmured


The Man I Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon