CZASHWYE'S POV
Habang iniisip ko ang mga nangyari confrontation ko kay Brian kagabi, naalala ko tuloy na kailangan kong pumasok ng maaga sa school ngayon dahil may meeting kami para sa darating na school festival. At syempre dahil ako ang tinaguriang leader sa school, ako ang naka assign para dito. Ako ang mag o-organized ng mga booth pati narin ang mga gamit nito. Kaya aakto muna akong isang huwarang studyante kahit ngayon lang.
Nang matapos na akong mag-ayos ng sarili, sumakay ako sa kotse ko dire-diretso papuntang school. Tuloy-tuloy lang ako sa pag da-drive habang nakikinig ng music ng may ...."
BOOOOOOGGGGSSSHHH !!!!!
"Sh!t!! What the hell!!
May bumangga sa kotse ko!!!!
Agad akong lumabas ng kotse para bulyawan ang taong bumangga sa akin at nakita kong bumaba rin ang lalaking sakay nito.
"Miss are you okay?" tanong niya sa akin
"Damn you !! Kung ikaw kaya ang tatanungin ko ng ganyan sa tingin mo ba okay lang ako ha? Look! binangga mo ang kotse ko, pano ako magiging okay?"
"I'm very sorry Miss, 'di ko talaga sinasadya. I saw a dog crossing my way kaya napa break ako ng malakas kaya kita nabangga. Sorry kung 'di kita napansin." (pagpapaliwanag niya)
"What? did I hear it clearly? Di mo ako napansin? Oh c'mon! ang lapad-lapad ng daan oh tapos di mo ako nakita? Driver ka ba talaga? patingin nga ng lisensya mo." galit kong pagkasabi
"Miss listen. Di ko talaga sinasadya okay. Malay ko bang tatawid yong aso. At saka bakit mo pang kailangan tignan ang lisensya ko MMDA kaba? don't worry I will pay you the damage."
"Hoy mister, ako mukhang MMDA? NAGPAPATAWA KA BA? kung sino ka mang Poncio Pilato ka, first of all 'di ko kailangan yang sorry mo kaya kainin mo. Pangalawa, mag-ingat ka while driving kasi nakaka cause ka ng aberya sa iba . Pangatlo, bumalik ka sa driving school kung san ka nag-aral mag drive at sabihin mo jan sa instructor mo na di kapa marunong mag drive para turuan ka pang mabuti and lastly, ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo kahit kailan. Is that clear to you?"
"Hahahaha !!! Nakakatakot ka naman miss. Unang-una, yan ha tinagalog ko na ang "first of all mo" sa pagkakaalam ko at kung hindi man ako nagkakamali, hindi ikaw ang nagmamay-ari nitong buong kalsada para pagbawalan akong pakalat-kalat dito sa daan. Pangalawa, nag-aral akong mag drive sa isang sikat na driving school sa U.S kaya wag kang magsalita ng ganyan kasi tao rin kaya ako at 'di maiiwasang magkamali sa pag da-drive. At pangatlo, 'di ako nagtatanga-tanga while nag da-drive."
Sasagot pa sana ako sa kanya ng may nag busina sa amin.
beeeeppp!!! beeeeeeppp!!!
"HOY! ANO BA KAYONG DALAWANG JAN, KUNG MAY LQ KAYO WAG DITO SA GITNA NG DAAN KASI NAAABALA NIYO KAMI. ANO AALIS BA JAN KAYO O HINDI? sigaw nong driver habang nakalabas ang ulo niya sa sasakyan niya
Sabay naman kaming lumingon ng lalaking ito sa nagsalita at nakita naming pareho ang mga sasakyang na stranded dahil sa amin. Sa gitna pa naman kami ng kalsada nagtalo. Enebenemenyen!! Wala na akong nagawa kundi pumasok sa kotse at ipinarada sa gilid ng kalsada at ganon din ang ginawa niya.
"Ano na miss makikipag-areglo ka ba sa akin o hindi? May pupuntahan pa ako."
BINABASA MO ANG
The Man I Hate
רומנטיקה--- Pano kaya kung pinagsama ang isang babaeng GANG LEADER at isang lalaking may title holder bilang isang sikat na CASANOVA sa iisang sitwasyon, ano kaya ang mangyayari??? --- Pano kaya kung may nakahandang misyon sa kanila para sa isa't-isa, m...