Chapter 8: The Trap

6 0 0
                                    

CHAPTER EIGHT: THE TRAP

Nandito na ako ngayon sa room ko nakahiga. Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip ang susunod kong gagawin.


"Isang hakbang nalang at maigaganti ko na ang pinsan ko. Kailangan kong gawin 'to sa madaling panahon. At pagkatapos nito, ayaw ko ng makita ang pagmumukha ni Brian na kahit kailan."

RIIIIIIINNNNGGGG !!!

"Grrr... at sino naman kaya 'tong tumatawag?"

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Agad namang kumunot ang noo ko
nong makita ko kung sino itong caller ko.


Calling....
Baby Brian


Accept        Decline


Ang sarap pindutin ng "decline button" para makatulog nako para magkamuta na bukas pero dahil nga in love kuno ako sa taong tumatawag sa'kin, O sige pagbigyan.

"Hello Brian bakit napatawag ka?'


["Gusto ko lang mag goodnight sayo."]


"Ahh ganon ba goodnight din sayo."


["Alam mo miss na kita agad kahit isang oras palang ang nakalipas
simula nong inihatid kita jan sa bahay mo."]

..."Tss ang OA naman ng taong 'to. Miss na agad? kaloka! Kung alam niya lang na hindi ko bahay yong itinuro ko sa kanya kanina."

"Ako din na miss agad kita. Ahm Brian pwede bang bukas nalang ulit tayo mag-usap ha medyo napagod talaga ako ngayong araw. At saka inaantok na rin ako."

["Okay baby Czash goodnight. I love you!"]

"Love you more."


tot tot tot tot tot

"Kanina pa ako nasusuka sa kasasabi ng I love you too sa kanya grabe. makatulog na nga lang."


Nandito ako ngayon sa secret place namin para tumambay.At dahil Sabado ngayon, nandito kaming lahat. Ikwenento ko sa kanila lahat ng nangyari sa panliligaw ni Brian kagabi kaya ito sila ngayon inaasar ako.

"Talaga bang ginawa niya yon? Nakaka bakla naman siya. Para namang di siya ang rank2 bilang casanova ha. Ganyan ba talaga magmahal ang mga casanova?" - Francine

"Pwede ba 'wag niyo na akong asarin, kahit ako nga eh nasusuka sa mga pinagsasasabi ko sa kanya kagabi." - ako

"Naku Czash malapit ka na sa finish line kaya tiis-tiis ka nalang muna sa ka weirdohan niyang Brian na yan."  - Aikeen


"Oo nga Czash pagnatapos na ito lahat, naipaghiganti muna rin si Alyana sa wakas." - Urika


"So kailan mo gagawin ang heartbreaking scene mo para kay Brian?" - Esshie

"Basta malalaman niyo rin soon." - ako


Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinext si Brian.



BRIAN'S POV



"Brian mauna nalang kayo ng mga friends mo susunod nalang ako." - Czashwye

"Bakit naman? Sabay nalang tayo sige na please? Hindi naman ako nagmamadali."  (sabi ko with matching puppy eyes)

"May kailangan pa kasi akong gawin sa bahay eh. Promise sandali lang ako at susunod agad ako don." (sabay hawak niya sa mukha ko)

"Okay sige. Tawagan mo ako ha pag nandon ka na." (sabay halik ko sa pisngi niya)

The Man I Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon