CZASHWYE'S POV
Excited na akong makuha ang kotse ko kaya ito ako ngayon pumapara ng taxi. Good mood ako eh. After 300 years nakarating na rin ako sa wakas. Isinuot ko ang mamahalin kong shades habang pababa ng taxi. Lahat ng tao na nasa paligid ay sa akin nakatingin. At dahil good mood ako ngayon, pinabayaan ko nalang silang tignan ako. Bahala silang maglaway jan total free naman ang tumitig sa legs diba? At dahil good mood nga ako, pinagbigyan ko silang mag sight seeing habang nasa good mood pa ako. Kung nasa bad mood ako ngayon, pinagdududukot ko na ang mga mata nila isa-isa.
Teka napapansin kong paulit-ulit na ako sa kakasabi ng nasa good mood ako ngayong araw ah, pansin niyo rin ba yon? Ganon talaga eh good mood nga eh.
Anyways, nandito na ako sa loob para kunin na ang aking pinakamamahal na kotse at ayon nga kitang-kita ko ang makintab at mukang bagong kotse kaya nagniningning ang mga mata ko. Gaya nga ng sabi ko, hindi nila binago ang design at ang kulay kaya mas lalong gumanda ang araw ko. Mukang hindi dinaanan ng pagkasira. YAHOOO!!!
After ko itong makuha, dumiretso na ako sa school kasi may klase pa ako. Buti at di ako na late. Nakasalubong ko naman ang dalawang alien na sina Mikaela at si Urika sa hallway.
"Ang ganda ng ngiti natin ngayon ha?" - Urika
"Mukang sinapian ata." - Mikaela na pabulong niyang sinabi
"Hoy koreanang pusit narinig ko yon ha. Di na ba pwedeng ngumiti habang naglalakad sa hallway?"
"Seryoso Czash. Minsan ka lang kasi good mood kaya hindi kami sanay makita kang ganyan." - Mikaela
"'Wag nyo nalang akong pansinin okay. Tara na nga late na tayo." sabay hila ko sa dalawa
Naghiwa-hiwalay na kaming tatlo dahil iba-iba naman kami ng course na kinuha. Pagkapasok ko ng classroom, bigla naman nagsitahimikan ang mga kaklase ko habang nakatingin sa akin kaya ningitian ko nalang sila. Umupo ako sa upuan ko habang nakangiti parin.
"Good morning class. I would like to introduce you your new classmate." si prof na nakatingin sa labas at pinapasok ang bago naming classmate
"Mr. Venuel come in." - prof. Cynthia
... "Venuel? saan ko ba narinig ang apelyidong yan?"
"Class this is your new classmate. Be nice to him okay. Now Mr. Venuel introduce your self to them." - prof Cynthia
Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Siya? ... Oh sh!t !! bakit nandito yang taong yan?
Ang kaninang paulit-paulit kong sinabi na nasa good mood ako, ngayong unti-unting napapalitan ng pagka badtrip.
KYAAAAAAHHH !!!! sigaw ng mga kaklase kong babae
"Girls please don't shout!!" saway ni prof
"Ahm .. Hello everyone, by the way I'm Keith Jamer Venuel, 17 years old.
I came from Arlinton University and transferred here in your school. I hope all of us will be friends." sabay kindat
KYAAAAAHHHH !!! sigaw ulit nila
Nakatitig lang ako sa taong nasa harapan ko. Unti-unting ng process sa utak ko ang mga sinabi niya kanina.
" KEITH JAMER VENUEL "
" KEITH JAMER VENUEL "
" KEITH JAMER VENUEL "
... "WTF !! He is Keith Jamer Venuel ang pinakasikat na casanova sa lahat. Ang lalaking kinaiinisan ko to the highest level!!!"
Habang nakatingin ako sa kanya, nakita kong nakatingin din siya sa akin habang naka smirk. Nakita niyang bakante ang katabi kong upuan kaya dito siya umupo. Tinignan ko siya ng masama at naka kuyom ang aking mga kamay.
"What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?" pabulong kong pagkasabi
"And why would I do that? Hindi ko naman alam na dito ka pala nag-aaral."
"Then go back to your previous school or maybe transfer to another school. I dont want to see your face here."
"C'mon miss annoying gusto kong mag-aral dito kaya wala kang magagawa. Kung gusto mo kaw nalang ang mag transfer."
"Ako annoying? Ikaw nga jan ang annoying eh. Nakakairita ka!" sigaw ko
"What's the problem Ms. Chua? Why are you shouting there?" - prof
"Nothing ma'am. I saw a cockroach passing by that's why I shouted." paliwanag ko
"Okay you may now take your sit."
"Cockroach pala ha." sabay ngisi ng nakakaloko
***
BINABASA MO ANG
The Man I Hate
Roman d'amour--- Pano kaya kung pinagsama ang isang babaeng GANG LEADER at isang lalaking may title holder bilang isang sikat na CASANOVA sa iisang sitwasyon, ano kaya ang mangyayari??? --- Pano kaya kung may nakahandang misyon sa kanila para sa isa't-isa, m...