Chapter 10: This Is It!

2 0 0
                                    



VIELLE'S POV



"Oh my gosh ang daming tao sa loob ng gym pano tayo makakapasok nito?" girl 1

"Di pwedeng 'di tayo makapasok noh pano natin ma che-cheer si Brian kung nandito lang tayo?" girl 2

"Oo nga mga sissy sayang ang pagpunta natin dito kung di natin siya mapapanuod. Nag cut pa naman tayo ng klase

para lang dito." girl 3 sabay pout

"Grabe ang ingay-ingay naman ng tatlong 'to. Sinakripisyo pa nila ang klase nila para lang mapanuod si Brian.

Kung alam lang nila ang mangyayari sa iniidolo nila mamaya." sabi ko sa sarili

RRIIIIIINNNNNGGGG !!!!

"Hello!"

["Vielle, ano okay na ba?]

"Okay na plantsado na ang lahat."

["Good. Magkita nalang tayo mamaya."]

Agad kong binaba ang call at nagsimulang maglakad papasok ng gym. Kasalukuyan akong manunuod ng basketball tournament dito sa St.Patricks College gym kong saan nag-aaral si Brian. Kalaban nila ang isa sa mga pinaka magaling na players ng Middleton High- ang blue phoenix.

"WOOOOOOH !!! nandito na sila."

KYAAAAHHHH !!!!!

"Ang gwa-gwapo talaga nila at ang ho-hot pa!"

"Mas gwapo ang mga taga Middleton High noh nandon kaya ang papa Charles ko."

"Mas gwapo si Brian noh kesa sa Charles mo."

"Brian galingan mo ha. Pagnanalo kayo sayong-sayo na ko!!"

... "Grabe naman ng mga babaeng 'to. Kung makaasta parang mga dyosa di naman kagandahan." sabi ko

Nakita ko si Brian at ang team niya na nakaupo na sa may left side ng court. Maya-maya ay nag si datingan na rin ang kalaban nila. Kitang-kita ko sa mukha ni Brian ang kasiyahan at ang excitement. Di nya alam na sa mga oras na ito, matatapos ang lahat ng pinaghirapan niya sa isang kisap lang ng mata niya.

PRIIIIIIIIITTTT |(^3^)

Nag whistle na ang referre hudyat upang mag-uumpisa na ang game. Nong inihagis na ng referee ang bola, agad itong nakuha ni Brian at tuloy-tuloy sa pag dri-dribol. Pinasa niya sa ka team niya at ayon pumasok. Tuloy-tuloy silang naka score hanggang sa natapos ang first quarter.


BRIAN'S POV


"Brian ang galing ng ginawa mo!"

"Thank you coach!" sabay tap sa braso ko

"Ito uminom muna kayo." sabi ng manager namin sabay abot ng bottled water

Ininom ko agad ang tubig na binigay sa akin ni manager at nagpunas ng pawis. Habang umiinom ako ng tubig, may mga papel na nahuhulog galing sa taas. Napakaraming papel na para bang mga confetti sa daming bumabagsak. May isang papel na nag landing malapit sa kinauupuan ko kaya pinulot ko ito at tinignan.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Hindi pala ito basta-bastang papel lang. Isa itong picture. Picture ng isang babae at lalaking naghahalikan. Di ako makapaniwala na ako pala ang taong nasa picture na 'to.

Biglang natahimik ang gym. Ang kanina'y puno ng hiyawan at mga tilian, ngayo'y napalitan ng malalim na katahimikan.

Kagaya ko, na shock din sila sa nakita nila. Kitang-kita ko sa mga reaksyon nila ang pagka disappoint lalong-lalo na ang mga fan girls ko. Nag close fist ako dahil sa naramdaman kong galit. Gusto kong hanapin ang taong gumawa nito sa akin pero hindi ko magawang gumalaw dahil sa nanlulumo ako. Naalala kong nandito pala si Czashwye nanunuod kaya bigla akong nabuhayan at agad inangat ang ulo ko sa pagkakayuko upang tignan ang babaeng nakaupo di kalayuan sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata ang galit. Ang galit na alam kong matagal mawawala kaya nilapitan ko siya at niyakap.

The Man I Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon