Chapter 9: Guilty

5 0 0
                                    

CHAPTER NINE: GUILTY


KINABUKASAN.....


Pagmulat ko palang ng aking mga mata, napabangon ako dahil naramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo. Hinilot-hilot ko ang sentido ko para mabawasan man lang kahit konti ang sakit. Habang ginagawa ko ito, napatingin ako sa paligid. Napansin kong hindi ito ang bahay ko. Napahinto ako sa paghihilot sa sentido dahil iniisip ko kong bakit ako nandito at anong mga nangyari sa akin kagabi. Ang una kong naalala ay yong magkasama kami ng mga kaibigan ko sa bar at nag-iinuman tapos dumating si Marga. Iniwan ako ng mga loko kong kaibigan kasama si Marga at... at... at....


Nanlaki ang aking mga mata dahil naalala ko na ang mga nangyari kagabi.


"Shit !!! si Czashwye !!!"



CZASHWYE'S POV



RIIIIIINNNGGG !!!!

Calling.....
Hubby Brian

.... decline


.... decline


.... decline

*bzzzt *bzzzt


1 message receive


From: Hubby Brian

Wifey I'm on my way to the airport. See you later. I missed you so much!!

Nandito ako ngayon sa airport at hinihintay ang sundo ko. Galing akong New York dahil pinapunta ako ng favorite kong tita. Isang linggo din akong nag stay don kaya isang linggo ko na ring hindi nakikita si Brian simula nong nagyaya ang mga kaibigan niyang mag bar. Habang hila-hila ko ang travelling bag ko, nakita ko si Brian na tumatakbo papalapit sa akin at niyakap agad ako.


"Hi wifey kanina ka pa ba dito? Sorry kung ngayon lang ako ha ang traffic kasi eh. Kanina pa kita tinatawagan pero 'di mo man lang sinasagot.

"Di ko pa kasi na chi-check ang phone ko until now sorry."

"It's okay wifey. Akin na nga 'tong bag mo at ako na ang magdadala."

Hinablot niya sa akin ang bag ko at inakbayan ako.

"Honey nagugutom ka ba? kain na muna tayo past 12 na oh." sabi niya


"Okay sige medyo nagugutom na rin ako."


Pumasok kami sa isang restaurant at nagtingin-tingin sa menu. Pagkatapos naming pumili ng pagkain ay agad niyang tinawag ang waiter.


" Ahm hubby di na tayo nakapag-usap simula nong nagpunta ako ng New York. At dahil nandito na ako, itatanong ko na ito sayo ha bakit nga pala wala ka don sa bar nong pagdating ko? Saan ka ba nagpunta?" tanong ko sa kanya


"Ahm wifey k--kasi nagkita kami ng friend ko galing ding New York. Oo tama yun nga. Two years din siyang nag stay don at ngayon lang nakauwi. At dahil close kaming dalawa dati ay niyaya niya ako sa bahay nila. May welcome party daw sa kanila kaya di ko siya natanggihan." paliwanag niya


"Oh I see. Mukhang napaka importanteng kaibigan mo pala siya kasi di mo nahindian. Sana tinext o tinawagan mo man lang ako para hindi nalang ako pumunta don sa bar."


"Pasensiya ka na talaga wifey don't worry hindi na mauulit."

"Alam mo bang nagtampo talaga ako sayo? Alam mong may flight ako non kinabukasan tapos di mo ako naihatid. Balak ko sanang di ka kausapin pag-uwi ko kaya lang 'di ko maiwasan. Kainis ka!"


"Wifey sorry na. Di na talaga mauulit promise ko sayo yan."


"Okay sabi mo yan ha. Oh ito na pala ang order natin kain na tayo."

"Oo nga pala sa makalawa na ang championship game namin at gusto ko nandon ka para mag cheer at saka swertehin ako." sabay pisil sa mukha ko.


"Talagang manunuod ako. Di ko yan palalagpasin noh first time kaya kitang mapapanuod maglaro ng basketball."


"Aasahan ko yan ha?." sabay kiss sa pisngi ko


"Oo na. Kain na tayo."



The Man I Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon