Chapter 14: The Mission

1 0 0
                                    


THIRD PERSON'S POV


Nasa isang coffee shop si Mrs. Chua naghihintay sa taong sa palagay niya ay ang makakatulong sa problema niya.

Hindi nagtagal, dumating din ang taong kanina pa niyang hinihintay. Ngumiti ito sa kanya at sinalubungan niya ito ng yakap.

"Long time no see hijo. Habang lumalaki ka mas lalo kang gumagwapo."

"Thanks sa compliment tita. Na miss talaga kita."

"Na miss din kita hijo. It's been 5 years din simula nong huli tayong nagkita at sa U.S pa yon."

"Oo nga eh ang tagal na nga non."

"Anong gusto mong inumin hijo?"

"capuccino nalang po tita."

"Miss isang capuccino nga at isang coffee latte."

"Ahhm tita ano po ba ang pag-uusapan natin?"

"Hijo may hihilingin kasi akong malaking pabor sayo sana pumayag ka."

"Sure tita basta kaya ko pong gawin. Ano po ba yan?"

"May mission akong ibibigay sayo."

"Mission?"

"Oo hijo isang mission."

"Para saan po ba itong mission ko?"

"Kailangan mo akong tulungang patinuin itong bunso kong anak."

"Po?"

"Please hijo ikaw lang ang alam kong makakaulong sa problema kong 'to."

"Ano po bang klaseng anak yang bunso mo?"

"Hindi basta-basta ang anak kong 'to. Tinatawag pa nga siya ng iba na siya miss perfect kasi nasa kanya na ang lahat. Matalino, maganda, maraming talent in short maraming kayang gawin pero akala lang nila yon. Kung dati masasabi kong perfect nga ang anak kong 'to pero ngayon masasabi kong isa din pala siya sa mga ordinaryong babaeng nakikita natin sa paligid. Alam mo ba, walang sinuman ang makakadikta sa kanya kahit na kaming pamilya niya? Napaka tigas kasi ng ulo ng batang yon at saka walang kinatatakutan."

"Ganon po ba mukha pala siyang isang gangster. Ang astig naman pala ng anak niyo. Ano po ba ang maitutulong ko? "

"Hijo kilala kita simula nong pagkabata. Alam kong may talent kang kumilatis at basahin ang iniisip ng isang tao kaya alam kong kayang-kaya mo siyang paamuhin. Ikaw lang talaga ang alam kong makakagawa non sa kanya. Gusto kong kahit konti man lang may makikita akong pagbabago sa kanya. Please hijo help me solve this problem. I'm begging you!"

Nakaramdam ang binata ng pagkalito nong una pero dahil nababasa niya sa isip ng ginang kung gano niya ito kagustong magbago ang anak ay pumayag na din ito.

"Tatanggapin ko po ang mission na ito pero di ko po maipapangako na magagawa ko ito. Oobserbahan ko muna siya bago ko simulan ang gagawin ko. Sa sinabi niyo po parang mahihirapan po ako dito pero gagawin ko ang makakaya ko para bumait lang siya. Kahit gamitin ko pa ang lahat ng charms na meron ako para tumalab lang sa kanya."

"Hahaha ikaw talagang bata ka. Kahit anong gagawin mo susuportahan kita. Alam kong kaya mo 'to dahil may tiwala ako sayo. Oo nga pala hijo may ipapayo pala ako sayo, dapat habaan mo palagi ang pasensiya mo. Kung aawayin, sisigawan, minumura o ano paman jan ang gagawin niya sa'yo, pagpasensiyahan mo nalang. Kahit nagagalit ka na, wag mong ipakita sa kanya kasi the more na nakikita niyang napipikon na ang isang tao sa kanya, mas lalo niya itong gagalitin. Kung kinakailangan lamangan mo siya palagi. Dapat siya ang maiinis sayo instead na ikaw."

May iniabot ang ginang na isang envelope sa binatang kausap niya.

"What is this tita?"

"Dahil isa itong business matter, gusto ko maging legal itong kasunduan natin."

Agad naman niyang binuksan ang envelope na bigay sa kanya ng ginang at binuklat ang laman.

"A Contract?"

"Yes hijo isang kontrata. Ayaw ko namang ipagawa 'to sayo ng wala man lang kapalit. Wag mo sanang masamain itong ginagawa ko hijo ha gusto ko lang naman ibigay sayo ang malaking pasasalamat ko. Kahit magawa mo man ito o hindi, ibibigay ko pa rin sayo ang reward mo dahil tinulungan mo parin ako."

"Hindi na po ito kailangan tita. Tutulungan ko pa rin kayo kahit wala akong reward."

"No hijo. Deserve mo ang reward. Alam mo naman pagdating sa business world, hindi pwede ang serbisyo na walang kapalit."

"Mukhang di na kayo mapipigilan, kaya tatanggapin ko po itong inoffer niyo. Naiintindihan ko po ang sinabi niyo. Don't worry tita gagawin ko po ang lahat para magtagumpay ako sa mission ko ayon sa gusto niyong mangyari para naman hindi masayang ang reward na ibibigay nyo sa akin."

"Nasa loob na din ng envelope na yan ang lahat na kailangan mong malaman tungkol sa anak ko. Wag mo munang pirmahan kong hindi ka pa handang gawin ang pinapagawa ko sayo. "

"Sige tita babasahin ko muna ito at pagkatapos kong pirmahan ito, tatawagan agad kita."

"Thank you so much hijo." sabay inom niya ng kape

The Man I Hate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon