CHAPTER FIVE
KINAUMAGAHAN ....
Kahit 'di pa kaya ng mga mata ko ang gumising, pinilit kong bumangon para maaga akong makapunta sa school. Ayaw ko kasing makita ang mga tao dito sa bahay baka kasi masira na naman ang araw ko. After 45 minutes sa banyo, nagbihis na ako at inihanda ang mga gamit para sa araw na 'to. Habang inaayos ko ang mga gamit, naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. Ini expect ko na ang muling paghaharap namin. Gangster sila eh, alam kong may part 2 pa ito.
Sa laro kasi ng mga gangsters, bawal ang mga mahihina. Dapat handa ka sa mga posibleng mangyari kahit buhay pa ang kapalit alang-alang sa samahan. Sa bawat laban di pwedeng umatras. Sa bawat labang ito ay inaasahan mong may buhay ang makakalas. Swerte ka kung makakaligtaas ka pa ng buhay. At sa bawat labang ito ay may nananalo at meron ding natatalo. At higit sa lahat, sa bawat pagkatalong nararanasan nila, hindi pwede ang walang ganti. Ubusan kong ubusan kumbaga.
Di ko maiwasang di mag-alala. Kung dati'y nagawa nila yon sa amin, how much more ngayon na nagbalik na sila diba? Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako sa pwede nilang gawin. Baka may madadamay na namang iba ng dahil sa paghihiganti nila sa'min. Kailangan ko talagang makagawa ng plano kung pano namin to mapaghandaan ng walang madadamay. Nawala ako sa pagmumuni nag mag ring ang cellphone ko.
RRIIIIIINNNGGGG !!!
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Guess niyo kong sino ang tumatawag? Walang iba kundi yong kumag na nag ngangalang Brian Castillo. Agad kong sinagot ang tawag niya.
"Hello Brian?"
["Good morning my beautiful lady, Don't forget our date later okay?"]
... "Date ba kamo?"
"Yeah I know, I can't wait to see you na nga eh." (sabay roll ng eyes)
["Me too... I just want to remind you what you've said to me that night."]
... "ang manyakis na'to talaga ang sarap ipalamon sa lupa"
"Of course I remember. So what's your plan?"
["I will tell you later okay. Just prepare yourself."]
"Okay see you later!"
["Bye"]
tot tot tot tot tot
... "Kadiri kang manyakis ka!! pag ikaw may gagawing masama sa'kin mamaya gigilitan talaga kita ng leeg. Kaka high blood talaga ang mga ganitong lalake may pa "I will tell you later "pang nalalaman. Tsk."
Pagkatapos ng klase ko, pumunta muna ako sa mall para magpalit ng damit. Syempre ayaw kong magpakita sa kanya ng naka uniform baka malaman pa niya kong san ako nag-aaral mahirap na baka puntahan pa ako. Nang matapos na ako, agad akong pumunta sa school nila. Nakita ko siyang nakatayo malapit sa may gate kasama ang mga ka teammates niya. May tatlong babaeng lumapit sa kanya at ikiniss siya.
BINABASA MO ANG
The Man I Hate
Romansa--- Pano kaya kung pinagsama ang isang babaeng GANG LEADER at isang lalaking may title holder bilang isang sikat na CASANOVA sa iisang sitwasyon, ano kaya ang mangyayari??? --- Pano kaya kung may nakahandang misyon sa kanila para sa isa't-isa, m...