CHAPTER ONE
Naglalakad ako papuntang school nang may mahagip ang aking mga mata. Nakita ko ang isang babae at isang lalaki na nagtatalo sa may park. At dahil sa pagiging curiousity ko, lumapit ako at nagtago sa may katabing puno upang marinig ko ng mabuti ang pinag-uusapan nila. Kagaya ko, mga studyante din sila sa paaralan kung saan ako pumapasok.
Narinig ko ang babae na nagmamakaawa don sa lalaki kaya di ko maiwasang maging chismosa. Nakita kung itinulak nong lalaki ang babae kaya bigla itong natumba. Agad namang tumayo ang girl at hinawakan ang isang paa nung lalaki habang nagmamakaawa ito ulit.
" Pwede ba leave me alone !!" sigaw ng lalaki
"Please don't do this to me! " pagmamakaawa naman ng girl
" I don't love you back! alam mo yan sa una palang diba!!"
"Please Michael *huk* don't leave me. I'm begging you! *huk*
"Pwede ba Sam, alam mo naman kung ano ang lugar mo sa'kin diba gusto mong sabihin ko ulit sayo ??
" Oo, alam ko na isa lang ako sa mga bed warmers mo *huk* pero okay lang sa'kin yun basta wag mo lang akong iwan Michael *huk* mahal na mahal talaga kita! *huk*
" Laruan lang ang tingin ko sayo kaya wala kang karapatang diktahan ako kung ano man ang gusto kung gawin sayo. Kaya pwede ba bitawan muna ako!" irita niyang pagkasabi
Sa narinig ko, parang umakyat lahat ng dugo ko papuntang utak at napapansin kong nanginginig ang buo kung katawan sa galit. Susugurin ko sana yung lalaki pero bigla nalang nagsalita ulit ang girl.
" Gagawin ko lahat ang gusto mo *huk* kahit ano basta wag mo lang akong *huk* tratuhin ng ganito"
"Kahit ano ba kamo ??" habang nakataas ang kilay niya
"Oo basta para sa'yo gagawin ko."
"Kung ganun wag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan! At ayaw ko na sa mga babaeng napagsawaan ko na gets mo? Diba sabi mo gagawin mo kung ano ang gusto ko kaya ito ang gusto ko... ang mawala kana sa buhay ko ... kaya GET LOST !!
Sinampal nung girl ng napakalakas ang boy dahilan sa pagka-atras nito. Ngumisi lang ang lalaki na para bang walang nangyari at naglakad papalayo sa babae. Naiwan ang luhaang babae na nakaupo yakap-yakap ang dalawang tuhod. Gusto ko siyang lapitan at i-comfort pero pinili kung hayaan nalang siya para maibuhos niya ang sakit na nararamdaman niya kasi ayokong ma awkward siya sa akin dahil sa mga nasaksihan ko kani-kanina lang.
Kaya simula nong nakita ko ang pangyayaring yun, ipinangako ko sa sarili ko na pagbabayarin ko ang mga ganung klaseng lalaki kahit sino at ano paman sila.
Everyday nakakakita ako ng mga babaeng umiiyak sa kadahilanang sinaktan at niloko sila ng mga Bf's nila. Naaawa talaga ako pag nakakakita ako ng umiiyak na babae dahil lang sa mga walang kwentang lalaki. Naaawa rin ako sa mga babaeng wagas kung magmahal pero sasaktan lang din pala sa huli. Kaya palihim kung ginagantihan yung mga lalaking nananakit sa kanila. 'Yong ibang babae naman alam nila ang ginagawa ko kaya ako ang naging sumbungan nila. 'Di nagtagal nakabuo ako ng isang grupo na may siyam na miyembro.
BINABASA MO ANG
The Man I Hate
Romance--- Pano kaya kung pinagsama ang isang babaeng GANG LEADER at isang lalaking may title holder bilang isang sikat na CASANOVA sa iisang sitwasyon, ano kaya ang mangyayari??? --- Pano kaya kung may nakahandang misyon sa kanila para sa isa't-isa, m...