Lots of wrong grammar and mispell as usual. This chap is unedited.
***
Nagmamadali ang mga hakbang na tinungo namin ang arrival area ng airport. Allen was right when he said na maabutan kami ng peak hours sa kalsada, inabot kami ng halos dalawang oras sa daan bago kami nakarating sa airport. Mabuti na lang na namilit si Allen na ipag drive ako, he knows the road better than me at may mga short cut siyang dinaanan I didn’t know existed or else baka hanggang ngayon nasa Edsa pa rin ako.
I received a call from my father once their plane landed and it was thirty minutes ago, siguradong nakalabas na sila ngayon ng immigration.
“This way Vi.” Hinawakan ni Allen ang siko ko and guided me through the crowds. Maraming flights ang sabay na dumating kaya maraming tao at masikip ang arrival area.
“Nakita mo ba sila?” tanong ko kay Allen, craning my neck to spot my parents. Hindi maiwasan na hindi ko mapansin ang mga mata ng mga kababaihan na malagkit na nakatingin sa kasama ko, who is oblivious to the attention he’s getting or nasanay na lang talaga siya.
“There’s Papa Manuel!” Allen said jokingly but at the same time pointed a man in his fifties, standing outside the airport.
“Heh! Behave yourself! baka mamaya masyado kang ma carried away at talagang Papa ang itawag mo.” sita ko dito na nakairap.
“Wala namang masama, kaya ko namang buhayiin ang anak nila.” naiiling na lang ako na naglalakad sa direksiyon ni Papa, kanina pa maganda ang mood ni Allen kaya hinayaan ko na kung ano ang trip niya.
“Pa!” bati ko kaagad sa ama ko pagkalapit dito sabay yakap. “Where’s Mama?”
“Bumili muna ng ice cream at kanina pa naghahanap si Hunter kahit nasa eroplano pa lang kami.” natatawang kwento sa akin ni Papa.
“Welcome back po Tito.”
“Allen! nice seeing you here!” Vi’s father was surprised when he saw me standing behind his daughter. Kung hindi pa ako nagsalita hindi pa niya napansin na kasama ako ng anak niya. “What is this? Welcome party from big bosses of C&S?” he jokingly added.
“I have some business nearby so I offered Victoria to drop her.”
“Thank you iho, mabuti na lang at ikaw ang nag drive. Knowing my daughter, she hates driving on this kind of traffic.”
“It’s nothing, I’m happy to be Victoria’s driver.”
Tumawa ang Papa ni Vi sa tinuran ko. “Don’t let her hear you or baka gawin ka na nga niyang full time driver niya.”
“If she’s going to hire me, why not.”
“Sigurado akong kayang tapatan ng dalaga ko ang sweldo mo sa C&S.” tinapik pa ko sa balikat ni Tito Manuel sabay tango sa anak niya. Dati pang magaan ang loob namin sa isa’t isa ng Papa ni Vi kaya hindi ako naiilang na makipagbiruan dito.
BINABASA MO ANG
Passion and Revenge (ON HOLD)
RomanceRATED SPG: Some chapters may not be suitable for young readers. They met..they got married. They are madly in love...so, she thought. But he left her without giving any reasons. They have a son she doesn't remember and he doesn't know existed. Sa mu...
