I gave up and stop what I'm doing.
Naiinis na pabagsak akong sumandal sa swivel chair and rub my temple with my thumb and forefinger. Kanina pa ako hindi maka concentrate sa ginagawa ko that my head throbbed.
My thoughts always go back to Allen.
Hindi ko mapigilang palihim na sumulyap sa nakasaradong opisina nito kahit alam kong wala siya sa loob. Sa isang linggo na hindi ako pumasok, I rejected his calls and deleted all his messages without reading them.
At ngayon, siya naman ang hindi pumasok. Either umiiwas ito sa akin dahil natatakot itong magwawala na naman ako pag nagkita kami o totoong may ka meeting itong importanting tao sa labas as what Karen had informed me pagkapasok ko kanina.
He deserved all the profanities I threw at him but why do I feel guilty every time his dejected face flash in my mind?
And worst, I'm missing him!
Badly...
The office is not the same without him, nasanay akong laging nararamdaman ang presensiya nito sa loob ng opisina ko that every corner of my room reminds me of him.
Am I going to lose in my own game? Na imbes na si Allen ang mahuhumaling sa akin, I'll end up loving him again?
Kaya ko pa bang ipagsapalaran ang puso ko sa kanya? but love is not enough if there's no trust and I have trust issue. Paano ako makakasiguro na hindi niya uulitin ang ginawa niyang pag iwan sa akin nuon, na kaya niyang panindigan ang sinasabi niyang pagmamahal niya sa akin.
I trusted him once.
I trusted him with my heart and soul but he failed me. I ended up broken hearted and miserable.
"Bullshit! Ilabas mo ang amo mo!"
Napatayo akong bigla ng may narinig akong sumisigaw na boses ng isang babae, umasim kaagad ang mukha ko ng mapagsino ang taong nagwawala sa labas.
Si Lara.
That woman is shameless, para itong walang pinag aralan kung umakto. Nakapameywang ang isang kamay nito na sumisigaw habang ang isa naman is waving in the air, to intimidate Karen.
"Allen!" sigaw nito at pilit binubuksan ang opisina ni Allen.
How dare she! to come here and make a scene!
Nagmamadali akong lumabas ng opisina, I have enough of her na kung umakto para nitong pag aari si Allen at may gana pang gumawa ng eksena dito.
I marched angrily to their direction, my lips pursed na natakot ang mga empleyado na bawat madadaanan ko, agad binalik ang atensiyon nila sa trabaho imbes panoorin ang pag eeskandalo ni Lara.
"What's the problem Karen?" tanong ko sa halos maiyak na sekretarya, tumayo ako in between them, my back on Lara, I intentionally ignore the bitch's presence.
"Mam Vic, ayaw po kasi maniwala ni Mam Lara na wala dito si Sir Allen."
"Give me the key." utos ko kay Karen. Turning, I glared at Lara, she in turn glare back at me.
I always wonder kung bakit nagawang patulan ni Allen ang Lara na ito, aanhin mo ang ganda kung hindi naman masikmura ang pag uugali. And this is the woman na pinalit niya sa akin? I thought bitterly.
"M-mam." Nanginginig ang boses ni Karen na inabot sa akin ang susi.
The poor girl..there's no way she can handle the bitchy attitude of Lara and this woman should be put in her right place. Being a top model in the country is not an excuse to treat people like they are beneath her and not worth of her respect.
Galit na pinasok ko ang susi sa knob at pinihit ito. Tinulak ko ang nabiglang si Lara sa loob ng opisina at agad na sinara ang pinto.
"Ngayon, naniniwala ka ng wala dito ang hinahabol mo?" Minuwestra ko ang palad ko sa bakanteng upuan ni Allen.
"How dare you! Wala kang karapatan na itulak ako!"
I don't give a damn if she's going to file physical injuries against me, nasimulan ko na rin lang, sasagarin ko na and I grabbed her arms.
"Listen to me Lara, wala akong pakialam with your past with Allen or kung ano ang meron kayo pero hindi ako makakapayag na pupunta ka dito at magwala na parang nasa palengke ka lang, at bigyan ng kahihiyan ang isa sa may ari ng kumpanyang ito!" I said in threatening voice.
I don't know kung naapektuhan ito sa sinabi ko, pero hindi kaagad ito nakapag react.
She pulled her arms from my grasp, namumula ang balat nito sa higpit ng hawak ko.
Good. I hope it's going to bruise.
"Who said na humahabol ako kay Allen? He's my fiancee and soon, my husband. Kaya between the two us, ikaw ang humahabol at lumalandi sa nobyo ko!"
I would have laugh sa narinig ko pero hindi ako natutuwa at hindi na nakakatawa ang pagiging ilusyonada ng kaharap ko. Sa ngayon, wala ako sa mood sakyan ang pagiging delusyonal nito.
I crossed my arms and smirk at her.
"Are you sure Lara, where's the ring if you are engaged?" tanong ko dito na may halong pang iinsulto, pasimple naman nitong tinago ang kanang kamay nito sa likod niya para hindi ko makita ang daliri nito.
"Last time I heard, the man that you claimed your fiancée is already married."
Her mouth formed a big O that I can't help drop the big bomb.
"To ME.."
***********
Nakakahawa ang munting tawa ni Hunter habang tinutulak ito ni Nikki na nakaupo sa swing.
"More! more!" pumapalakpak pa ang mga kamay nito na inuutusan si Nikki, gusto nitong mas mataas pa ang paglipad ng swing.
Brave boy. I thought proudly.
Nasa park kami ngayon na nasa loob ng subdibisyon nila Nikki, dito namin napagkasunduan na magkita pagkatapos ko siyang pakiusapan na gusto ko siyang makausap at sa hiling ko na rin na dalhin si Hunter dahil gusto kong makita ang bata.
Matagal ko ng balak kausapin si Nikki pero naduduwag ako sa tuwing subukan na i-dial ang numero nito. Until finally, I found the strength to call her.
Dahil siya lang ang taong maasahan ko na magsasabi sa akin ng totoo, ang makakasagot sa mga katanungan ko.
The truth about Hunter.
The boy suddenly looked up and stare straight to me. My chest tightened.. gray eyes against gray eyes, he has the same expression I saw every time I looked in the mirror every morning.
Dear God!
Please..let Hunter be my son, our son..
�����ژ�'
BINABASA MO ANG
Passion and Revenge (ON HOLD)
RomanceRATED SPG: Some chapters may not be suitable for young readers. They met..they got married. They are madly in love...so, she thought. But he left her without giving any reasons. They have a son she doesn't remember and he doesn't know existed. Sa mu...
