Chapter 5 - We Meet Again

11.9K 164 12
                                    

Karen's POV


More than a week nang hindi pumapasok ang boss ko mula nung araw na nagwala siya. Ayaw din akong tigilan ng mga tsismosa dito lalo na ang Jane na yun sa katatanong kung ano ang nangyari.

Of course! my lips are sealed, ayaw ko kayang pagpiyestahan ang lovelife ng my loves ko.


Halos araw araw pumupunta ako sa condo niya para lang magpapirma ng mga importanteng documents na kelangan niyang pirmahan. Wala na ring daming tanong, basta pirma lang ng pirma.

Naawa  ako sa itsura ni Sir, laging amoy alak, namumula ang mga mata at ang balbas! My gawd!! ni hindi niya na magawang mag shave, ganun siya ka depressed.


Paano kaya humalik si Sir ng may balbas? Ayy! iniimagine ko pa lang nakikiliti na ako.


Pumikit ako habang nag iilusyon, na sa sobrang kalasingan ni Sir napagkamalan niyang ako yung si Dominique.

Hinapit niya ako sa beywang habang hinahalikan ako sa leeg, ang mga kamay naman nito ay..


"Karen."


"Ay! hudas barabas!"

Napamulat ako ng mata sa kabiglaan ko.


"S-sir, good morning."

Sheeeet! nahuli akong nag di-daydream at siya pa ang in a starring role! 


"Follow me in a minute and update me on everything."

"Yes sir." bakit hindi man lang nagpasabi to na papasok na pala, sana nakapag ayos ako ng mabuti, hmp!


Nag iingay na naman ang mga tsismosa dito, nabuhay ang mga dugo ng makitang  pumasok na uli si boss.

Nagmamadali akong kinuha lahat ng mga documents at reports, pati na rin ang planner ko.

Nagbilang muna ako from one to sixty, sabi niya in a minute eh, tsaka ako kumatok at pumasok sa loob ng office.


Kawawa naman ang boss ko, namayat at nangangalumata. Ganun ba siya ka broken hearted? Ang sarap naman magmahal ni Sir, nababaliw sa pag ibig.


Narinig kong may tumikhim.


"I..I'm sorry sir." nakatingin pala siya sa akin at ako na lang ang hinihintay, ako naman si gaga na nakatulala lang sa kanya.

Mabilis naman kaming natapos, mukhang wala pa ring ganang magtrabaho ang boss ko. Patango tango lang ito habang nagsasalita ako.


Nilingon ko siya bago lumabas ng office, nakatayo siya sa harap ng window na nakatingin sa labas, malalim ang iniisip. Napapailing na lang ako, mas lalong wala nang chance na makita naming ngingiti ang boss ko.





Victoria's POV


Nagbubulungan ang mga empleyado habang nakatingin sa amin na naglalakad sa hallway.

Passion and Revenge (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon