Chapter 11 - A GO-BETWEEN

6.5K 194 23
                                        

Karen's POV

  

"Punyeta!! are you hiding Allen from me?!"

"Mam Lara, wala naman po talaga si Sir Allen kahit pumunta po kayo dito." paliwanag ko sa kabilang line.

Ayaw maniwala ni Mam Lara na nasa meeting si Sir, sigaw ng sigaw pa rin sa akin.

"Aray!!!"

Nabingi yata ako sa lakas ng pagkabagsak ni Mam Lara sa phone, parang may naririnig akong bubuyog sa loob ng tenga ko. Ang taray talaga ng babaeng yun, mabuti nga at hiniwalayan ng amo ko.  Dalawang linggo na rin yata ang nakaraan nung narinig ko silang nag away at lumabas si Mam Lara sa opisina ni Sir na parang naiiyak pero mataray pa rin ang itsura.

Tumunog ang elevator, napabuntong hininga ako ng makita kung sino ang lumabas.

Mga lalaking nilalang lang naman na taga kabilang floor, na wala nang ginawa kundi umaligid dito mula nang dumating si Mam Victoria. Wala namang mga business dito pero aakyat at kunyari kausapin isa sa mga staff, pero ang mga mata na kay Mam Vic naman.

Kaya itong malanding si Jane tuwang tuwa dahil yung mga nagpapansin naman kay Mam Vic yung mga guwapo, yung alam nilang may chance sila incase magkalakas loob silang manligaw sa pinaka boss ng kumpanya.

Maganda, mabait, malambing magsalita at palangiti pa kaya tuloy ang daming humahanga kay Mam. Hindi rin nangingimi ang mga staff na pumasok sa opisina niya para magpapirma ng mga documents  dahil napaka approachable nito. Kaya kahit ilang linggo pa lang siya dito, kuhang kuha niya na ang loob ng mga empleyado, lalo na ako.

Haaay..naiistorbo tuloy ang ginagawa ko sa kakatingin sa elevator tuwing tumutunog ito. Halos yata minu-minuto nangyayari kaya nang marinig kong tumunog uli hindi ko na pinansin.


"Good afternoon Karen."  masayang bati ng amo ko.

"Ay Sir Allen! kayo pala. Good afternoon po!" anuvey! hindi ko tuloy napansin si Sir Allen na pala.

May nakita akong may dalang paper bag si Sir bago ito pumasok sa opisina niya.

Yes! may sweets na naman ako..ano na naman kaya this time?

Tumunog ang extension line..eto naaa!

"Karen?"

"Coming Sir!"

Nagmamadali pa akong lumabas sa pwesto ko, Sheyt! muntik pa akong madapa. Pagpasok ko nakalabas na sa loob ng paper bag ang dala ni Sir Allen. Natakam kaagad ako sa nakita ko.

My. favorite. red .velvet. cheesecake!!

At binili pa sa mamahaling pastry shop na nasa loob pa yata ng hotel.

"Give this to Vi and take the other box." ingat na ingat na inaabot ni Sir Allen ang box sa akin.

"Thank you very much Sir! kahit tumataba na ako sa araw araw na supply niyo ng sweets ok lang." tuwang tuwa ako habang hawak ko ang dalawang box.

"Nagrereklamo ka na ba?" natatawa niyang tanong sa akin.

Natulala ako.

Is this real? is this fucking real!!

Si Sir Allen, hindi lang ngumiti, tumawa pa!! wait until I tell this to malanding Jane.

"Something wrong Karen?"

Mukhang tanga pa rin akong tulala na nakatingin sa amo ko.

Sheyt! nadagdagan ang hidden desire ko sa amo ko..may dimple pala si Sir at ang guwapo talaga niyang ngumiti.

Passion and Revenge (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon