Nagising ako sa mainit na hininga na nakadikit na halos sa tenga ko, I was going to move pero mahigpit ang kamay na nakahawak sa aking beywang. I almost panic why I have somebody with me in my bed nang maalala ko ang nangyari kagabi.
Imbes na tanggalin ang kamay na nakapatong sa akin, hinawakan ko ito at hinila pa para humigpit ang pagkayakap sa akin. Tiningnan ko ang alarm clock na nasa side table, pasado alas singko pa lang, masyadong maaga pa para bumangon but I'm already hearing Hunter's loud voice from the hallway.
I snuggled closer to the warm body next to me and close my eyes, if today will be chaotic as yesterday, I'm going to need a lot of rest and energy.
The next time I open my eyes, mataas na ang araw sa labas at mag isa na lang ako sa kama.
"Ugh!"
Napahawak ang dalawang kamay ko sa ulo. "Damn hangover!" pagrereklamo ko habang nakaupo sa kama, nakapatong ang nuo sa tuhod. Nasobrahan na naman ako sa alak kagabi. Sabagay, hindi lang ako ang nalasing kagabi kahit si Kuya hindi na rin makaakyat ng diretso.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo but I'm too lazy to lift my head.
"Headache?" tanong sa akin.
"Yeah." I answered in muffled voice.
Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa tabi ko, kasunod nito ang kamay na humahaplos sa aking likod.
"Tsk! yan kasi, para kang mauubusan ng alak kagabi. Tinalo mo pa kami ni Jake sa dami ng ininom."
"Anong mas marami ang ininom?" I argued. "Sino kaya ang hindi na nakarating sa guest room at dito na sa kama ko nakatulog? at sino kaya sa atin ang halos gumapang habang paakyat ng hagdanan?"
"Okay, I got your point. Why don't you take a cold shower para mabawasan ang init ng ulo mo, I just did."
Tsaka ko lang napansin ang hubad na katawan na nakadikit sa akin, napaangat ako ng ulo at unang tumambad sa akin ang nakangising mukha ng katabi ko. It looks like he's enjoying my suffering. Bumaba ang tingin ko, from his hard chest to his packed stomach down to his exposed toned thighs. Napalunok ako.
Kelan pa naging ganito ka hot and sexy ang best friend ko?
"Pinagnanasaan mo ba ako?" he asked me with a smirked on his face, he caught me checking him out when my eyes lingered on his six packed abs.
"Please Ricky, put on your clothes! mas lalong nadagdagan ang sakit ng ulo ko sa nakikita ko." pagsisinungaling ko sabay iwas, bago pa niya mapansin ang mukha ko na namumula sa kahihiyan na nahuli niya ako.
Tumawa ito pero sinunud din ang utos ko, pangiti ngiti na pinulot ang mga damit niya na nakakalat sa sahig.
"Uuwi ka na ba?" hindi maitago ang disappointment sa boses ko habang pinapanuod siyang nagbibihis.
I didn't realize how much I missed Ricky until I saw him yesterday, napatakbo pa ako na sinalubong ito pagkakita ko sa kanya. Kinalimutan ko na ang dahilan kung bakit nagtampo ako dito at sobrang saya ko na okay na uli kami.
Lihim kong pinagalitan ang sarili ko, hindi ko na dapat pinatagal ang pagtatampo ko kay Ricky, mabuti na lang at mahaba ang pasensiya ng kaibigan ko at siya pa ang nanghingi ng sorry kahit wala siyang idea kung bakit bigla na lang ako umiwas sa kanya.
BINABASA MO ANG
Passion and Revenge (ON HOLD)
RomanceRATED SPG: Some chapters may not be suitable for young readers. They met..they got married. They are madly in love...so, she thought. But he left her without giving any reasons. They have a son she doesn't remember and he doesn't know existed. Sa mu...
