Chapter 10 - Jealousy

7.5K 149 7
                                        

Lara's POV

Hindi ko napigilang magalit pagkakita ko sa babaeng yun!

I know Allen was interested with her nung nasa resort pa kami, the whole time he was staring at her kahit katabi niya ako. I don't know what will happen kung nagkataon na wala ako dun at walang boyfriend ang babaeng yun.

I was mad with jealous pero hindi ko lang pinapakita kay Allen, bago pa lang kami sa relasyon namin at ayaw kong meron kaming hindi mapagkaunawaan kaagad, ayaw kong magdalawang isip sa akin si Allen at sa relasyon namin.

Allen is a big catch, guwapo at higit sa lahat mayaman. Hindi ako papayag na makawala siya sa mga kamay ko or maagaw ng iba sa akin. Lalo na marami ang naghihintay na pumalit sa akin ngayong he’s back in dating scene.

Kaya the moment I saw her sa labas ng elevator naisip ko kaagad na nasingitan niya ako kay Allen nung nasa resort pa lang kami and she's here para bisitahin ang boyfriend ko.

Part owner? that bitch! Mas lalo akong nakaramdam ng pangamba tungkol sa babaeng yun.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa opisina ni Allen para mawala ang inis ko dahil sa babaeng yun.

"Lara? what are you doing here?" nagulat si Allen pagkakita sa akin.

"To see you darling." I said sweetly.

Lumapit ako sabay halik sa labi niya, tinagalan ko ang paghalik. Natuwa ako ng maramdaman kong humigpit ang pagkahawak ni Allen sa likod ko.

"Wala ka bang work ngayon?" tanong ni Allen sa akin ng maghiwalay ang mga labi namin.

"Tapos na kanina at naghihintay na lang ako ng next project."

Ang totoo niyan, hindi ko sinipot ang pictorials today. Hindi ko gusto ang make up artist na kinuha nila at sa status ko na isa sa sikat na model sa bansa, I can afford to throw tantrums at mambitin ng trabaho.

Kaya pala parang hinihila ako ng paa ko na puntahan si Allen, meron pala akong dapat ipag-alala.

I leaned sa gilid ng lamesa niya, nakaharap sa kanya.

"I met someone outside."

"Who?" habang nakatutuk na uli ang atensiyon sa mga papel na nasa harap niya.

This is the problem with my relationship with Allen, pakiramdam ko laging may kulang sa kanya. He doesn't give me enough attention, hindi tulad ng mga nauna kong mga boyfriend.

Inabot pa ng anim na buwan ang pagdi-date namin before he finally asked me to date exclusively. Hindi pa niya ako mapapansin kung hindi lang laging tinutulak kaming dalawa ng mga friends namin na mag partner sa mga group dates.

"The girl from the resort." inoobserbahan ko ang maging reaction niya.

Passion and Revenge (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon