Chapter 13 P&R

6.6K 150 7
                                    

Hi Guys,

Hope you'll enjoy this chap!!

Hhinabol ko talaga na may ma update ako this week because I'll be busy for my daugter's 3rd bday party :-) but since Monday  pa lang may UD na ako, I'll try to update one more before end of this week.. nasa appetizer pa lang kasi yung story and wala pa sa pinaka main course hehehe.

Please vote and comment if you like this chap!

 

This Chap pala dedicated to Jethmoms, na follower na nang story na to. Yung ibang nakikita kong nag vo-vote and comment next chaps sa inyo ko naman idi-dicate.

Victoria’s POV

"It's been three years Vic." Kyle's eyes sparkled na nakatingin sa akin habang magkayakap pa rin kaming dalawa.

"And it's nice to see you Kyle." nakangiti naman na sagot ko.

Hindi pa rin ako maka get over sa pagkagulat ko kanina nang may bigla na lang yumakap sa likod ko and to find out it was Kyle. Natuwa naman akong nakita siya after so many years, after all we used to hanged out before.

“Come, I’ll introduce you to my friends.” hinawakan niya ang kamay ko and he excitedly pulled me sa direction kung saan nakaupo ang mga kaibigan niya.

Damn Ricky!

Kaya pala kahit pagod ako pinipilit akong pumunta dahil andito pala ang pinsan niya, medyo nairita pa ako dahil I’m suffering from jetlag at pilit kong nilalabanan ito dahil akala ko Ricky needs my presence yun pala gusto lang naman akong i-match dito sa pinsan niya and now he’s playing cupid when I already told him many times I’m not interested to date anyone.

 Pinandilatan ko kaagad si Ricky na natatawang sumalubong sa amin.

“Sexy mo bestfriend, naramdaman mo bang may ipapa-date ako sayo?” bulong niya sa akin nang makalapit sabay halik sa pisngi ko.

Inirapan ko ang mokong, kahit tinamad akong umalis kanina, I ensure that I looked my best.  I wore a corset type black cropped top that show my toned stomach and short black high waisted leather skirt.  My shoulder and collarbone are exposed  dahil tinali ko nang mataas ang buhok ko kaya ramdam na ramdam ko ang mga mata ng kalakihan kanina habang paakyat ako ng VIP area.

“Lagot ka sa akin mamaya.” sabi ko sa mahinang boses,  nakatingin ako kay Ricky habang nakahawak sa kamay ko si Kyle papunta sa table nila.

“Buddies, meet Victoria.” hindi na ako nag react nang pumulupot ang kamay ni Kyle sa beywang ko,  he already hugged and kissed me kanina. Another paglalambing from him will do me no harm.

Passion and Revenge (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon