This chapter is unedited.
*********************
“Any good news you’d like to share with me?” tanong ko kay Karen habang patuloy sa pagpirma ng mga papeles na inabot niya sa akin.
She’s smiling like a cheshire cat mula nang pumasok ito sa loob ng opisina, I’m not irritated that she’s grinning from ear to ear na parang baliw sa harapan ko, hindi lang ako kumportable na para bang may alam itong sekreto that I’m not aware of.
“Nothing Mam Vic, masaya lang po talaga ako ngayon.” sagot nito na nakangisi pa rin.
I smirked and raised my eyebrow, to show that I don't believe her.
Well, she can't blame me, siya lagi ang kakutsaba ni Allen sa lahat ng kalokohan nito. She's his wingman dito sa opisina pag may planong sorpresa sa akin ang boss niya.
“Ito lang ba ang mga papeles that needs my signature for today? or meron pang kasunod?”tanong ko habang nire-review ang mga papel na nasa harapan ko, checking kung may pirma ko ang lahat ng dapat na pirmahan.
“Wala na Mam, inakyat na po kanina lahat ng mga taga department ang mga papapirmahan sa inyo ni Sir Allen. Nag email kasi kanina si Sir sa lahat ng department heads that both of you will not be available after 4pm.”
“Why?” alam kong magdi dinner kami sa labas later in the evening, but there's enough time para umuwi at mag ayos kaya hindi namin kelangan magmadali na umalis ng opisina.
“No idea po Mam.” sabi nito habang umiiwas ng tingin sa akin.
I bit my lower lip para pigilan ang tumawa, alam kong pag ipagpatuloy ko pa ang pagtatanong kay Karen, madudulas at sasabihin din nito ang gusto kong malaman, watching her squirming uncomfortably on her seat, I decided to let it go.
Mas mabuti nang wala akong alam sa plano ni Allen mamaya dahil mas maganda kung masosorpresa na lang ako. He knows that I love surprises and he never fails me.
"Where is he by the way?" it's almost lunchtime na at hindi pa siya nagpaparamdam sa akin.
"May ka meeting lang po si Sir na client sa office niya Mam."
"Okay, can you send a mail to Anna and the rest of her team that we'll have a meeting on Monday morning. I need the updates and development sa mga store na bubuksan natin."
"That's all Mam Vic?"
I nodded and gave her a smile. "Yeah, thanks Karen."
Kinuha na nito ang mga papeles na pinapirmahan sa akin at lalabas na sana ng opisina ng biglang tumigil ito at bumalik uli sa harapan ko. "I'm sorry Mam Vic, I forgot to give this to you, dumating lang po yan when I was on my way here."
Frowning, I took the envelope from Karen.
Natigilan ako ng makita ko ang return address na nakalagay sa envelope, sigurado ako kung ano ang laman nito but I'm not expecting it until next month.
I barely acknowledge Karen leaving my office. With trembling hands, I opened the envelope roughly at tumambad kaagad sa akin ang malalaking letra na nakasulat dito.
PETITION FOR DIVORCE.
I felt the lump forming on my throat when I saw what my lawyer disclosed as reason for filing the divorce, a reason that Allen’s party can’t deny and cannot challenge in the court.
Abandonment…
Remembering the day Allen left me, hindi ko mapigilan na maawa sa sarili, my insecurities eating me again dahil hindi ko alam kung talagang minahal niya ako sa una pa lang.
BINABASA MO ANG
Passion and Revenge (ON HOLD)
RomanceRATED SPG: Some chapters may not be suitable for young readers. They met..they got married. They are madly in love...so, she thought. But he left her without giving any reasons. They have a son she doesn't remember and he doesn't know existed. Sa mu...
